Celebrity mom na si Sheena Halili, labis na ini-enjoy ang kaniyang pagiging full-time mommy sa tuwing kasama ang kanyang napakacute na anak na si Baby Martina

Tila’y ang pag-aalaga at ang pagkakaroon ng oras at panahon na maka-bonding si Baby Martina, ang siyang isa sa mga sinusulit ngayon ng aktres na si Sheena Halili habang naka quarantine.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Tutok man sa pag-aalaga at pagiging playmate ng kaniyang anak, ay hindi maitatangging likas pa rin ang kagandahan ni Sheena kahit siya ay isa ng mommy.

At dahil damang-dama na ang init ngayong summer season, ay marami na ang nag-iisip ng kanilang bagong summer hairstyle na siyang perfect ngayong tag-init.




Hindi na nga nagpahuli ang aktres at patunay nito ang video na kaniyang ibinahagi sa Instagram, at makikita ang naging bagong hairstyle ni Sheena na kaniyang tinawag bilang “Postpartum Hairstyle”.

Sa video niyang ito ay hindi aakalain na may anak na ang aktres dahil sa kaniyang naging itsura, ay makikitang bumagay ang bagong hairstyle na ito kay Sheena, na siyang naging dahilan upang mas bumata pa lalo ang kaniyang mukha.

Ayon pa sa aktres ay handa na umanong rumampa ang kaniyang buhok para sa paparating na Mother’s Day.


“My hair is sooo ready for Mother’s Day 💐🧸 #postpartumhairstyle #bananachachaALLDAYEVERYDAY”

Mula sa naturang post na ito ng aktres ay umani naman ng samu’t-saring komento at papuring kanyang natanggap, mula sa netizen sa bagong hairstyle nya na ito na talaga namang bumagay sa kanya.

“So pretty sana all ganyan pag post partum 😍😍😍”


Credit: @mysheenahalili on Instagram

“❤️❤️😍😍😍ganda…bagay na bagay po …❤️❤️❤️”

“soo pretty , bagay na bagay ❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

“Ayyyy hala😍 sana lahat gnyan ka healthy ang hair”


Credit: @mysheenahalili on Instagram

“Very gorgeous😍😍😍😍😍😍😍”

Ikinasal si Sheena sa kaniyang asawa na isang lawyer at kasalukuyang Pasig City administrator na si Jeron Manzanero, noong February 23 sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Quezon City.




Credit: @mysheenahalili on Instagram

December ng nakaraang taon nang isilang naman ni Sheena si Baby Martina.