Lucy Torres Gomez, nahumaling sa pananahi ng mga magagandang punda ng unan kahit walang gamit na makinang pantahi

Kung ang ilan sa mga Pinay celebrities ay naging certified Plantita at nahilig sa pangongolekta at pag-aalaga ng mga halaman, ibahin naman natin ang celebrity mom na si Lucy Torres-Gomez na siyang kinahiligan naman ang pananahi ng pillow covers.

Sa larawang ibinahagi ni Lucy sa Instagram ay makikita ang iba’t-ibang disenyo ng kaniyang handmade pillow covers, at mapapansin na sa bawat kulay nito ay iba’t-ibang klase ng kulay asul ang siyang kanyang napiling kombinasyon sa paggawa ng bawat piraso nito.




Credit: @lucytgomez on Instagram

Bukod pa dyan ay makikita din ang larawan ng aktres habang ini-enjoy at seryosong gumagawa sa kaniyang mga pillow covers.

Ayon sa caption ni Lucy sa naturang post ay sinimulan nya ang paggawa ng mga handmade pillow covers, noong nakaraang taon simula ng maisailalim ang bansa sa l0ckd0wn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucy Torres Gomez (@lucytgomez)


“Some of the pillow covers I have sewn over last year’s lockdown —- every single stitch by hand. Alternately working on other little cases and pouches, too, also a patchwork quilt in many shades of blue. A sundress next!♥️”

Maliban sa mga pillow covers ay sinimulan na rin gumawa ni Lucy ng mga little cases at pouches.


Credit: @lucytgomez on Instagram

Kahit busy man sa kanyang trabaho ay hindi pa rin nakakalimutan ni Lucy na magkaroon ng oras para sa kanyang sarili at i-enjoy ang bawat pagkakataon na siya ay nakakagawa ng katulad ng mga ito.

Dahil dito ay umani naman ng samu’t-saring papuri at komento mula sa netizen ang ipinakitang husay at galing ni Lucy sa pagtatahi ng mga pillow covers.


Credit: @lucytgomez on Instagram

Ang ilan pa sa kanila ay inaabangan na rin ang susunod na paggawa ng mga makukulay na sundress.

“So pretty! Can’t wait to see the sundress!❤️✨”

“How grounded! This makes you more admirable and loveable!❤️❤️”




Credit: @lucytgomez on Instagram

“There goes your skilled and crafty hands. Love it, Ti❤️❤️”

“Virtuous woman😍, you are such a gem Congresswoman”

“Equally Beautiful and talented.❤️😍”