Alice Dixson, masayang nakabalik na ng Pilipinas kasama ang kanyang anak na si Baby A

Masayang nakauwi sa Pilipinas ang aktres na si Alice Dixson kasama ang kaniyang bagong silang na anak na si Baby A.

Galing US ang aktres at makalipas nga ng ilang araw ay napagdesisyunan niyang umuwi na ng Pinas, sa kabila ng tak0t at pangamba na kaniyang naramdaman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


“Medyo kinakabahan po ako, hindi ako magsisinungaling sa inyo. Seryoso po ang pandemic at ang pagkalat ng v!rus ngayon lalo na sa Pilipinas.”

“Ang isang bagay na kinakatak0t ko is that ang mandate ng Pilipinas ay hindi po katulad sa US na kung san kinakailangan na mag 72 hours SWAB test prior to boarding your flight. Wala pong ganun sa atin sa pag-uwi sa Pilipinas.”

Isa ang aktres na si Alice sa mga nagpabakuna kontra sa v!rus na ito, ngunit sa kabila man nito ay hindi pa rin panatag ang aktres para sa kaniyang anak.




Credit: Alice Dixson on Instagram

“I’m actually quite c0ncerned and very worried, na baka yung mga katabi ko ay may dalang C0vid or positive po sila. Kaya din po ako nagpa vaccinate. However, hindi po yun nagpo-pr0tect sa ‘king anak.”

Alinsunod sa safety protocol ng bansa para sa mga dumarating galing abroad, ay pansamantalang mamamalagi muna ang mga ito sa isang quarantine facility.


Credit: Alice Dixson on Instagram

At makalipas nga ng ilang oras na kanilang byahe pauwi ng bansa ay pansamantalang nanalagi si Alice kasama si Baby A sa isang hotel sa may BGC.

Sa video na kanyang ibinahagi sa Instagram ay ipinasilip ng aktres ang hotel na kanilang tinutuluyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Ayon kay Alice, ang hotel na kaniyang napili ay kalapit lamang sa doktor ng bago nyang silang na anak na si Baby A.

Mula sa kanilang tinutuluyan ngayon ay makikita naman ang excitement sa aktres, matapos malibot ang kanilang naging hotel room lalo na nang kaniyang makita ang bathtub.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


“And the bathtub, oh thank you kailangan ko talaga itong bathtub na ‘to, after a long flight just want to relax.”

Ang pagdating ni Baby A sa buhay ng aktres ay kaniyang nagsilbing “little miracle”, sa halos sampung taon na kaniyang pagdadasal na mabiyayaan ng isang anak.




Credit: Alice Dixson on Instagram

“Despite the unexpected trials this year. God gave us a little miracle.”