Rocco Nacino, ipinasilip ang kinalabasan ng kanyang pinagawang garden sa kanilang bagong bahay

Sa pamamagitan ng vlog ni Rocco sa kanyang youtube channel ay pinakita nga nito ang update sa pag Landscape sa kanyang garden sa bahay.

Makikita nga sa video na excited si Rocco sa kanyang garden at pinakita rin nito ang mga iba’t-ibang klase ng halaman na nabili nila.




Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Sinabi rin ni Rocco na ang ibang mga bato na ginamit sa pag Landscape ay mula pa sa landslide at eto raw ay mga Adobe rocks. Mapapansin nga na may pagka resort ang style nito dahil sa mga nilagay na bato.

Nagpalagay din si Rocco ng solar power lights sa kanyang garden para makatipid na rin sa kuryente.

Nakapalibot nga ang peanut grass sa garden nila Rocco at sabi ng kanilang kapit-bahay ay marami daw ahas sa kanilang village kaya naman itong peanut grass ang pinalagay nila dahil takot ang mga ahas dito.


Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Mayroon din silang mini garden para may pagka busyhan sa bahay ang asawa ni Rocco na si Melissa.

Bukod sa mga magagandang halaman ay mayroon din tanim na mga gulay sina Rocco gaya nalang ng talong, kamatis, ampalaya at sili.

Makikita nga sa video na halos may halaman lahat saan man sulok na parte ng bahay nina Rocco.

Napaka ganda nga tingnan ng bahay nila Rocco at mukhang maaliwalas rin ang kinalabasan nito sa harap ng matapos ang kanilang garden.


Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Masayang masaya nga si Rocco na natupad na ang kagustuhan nya na matapos ang landscape sa kanyang bahay.

Ayon pa kay Rocco ay ipapakita nya naman sa susunod na video ang loob ng bahay.




Credit: Rocco Nacino Official Youtube

Nagbiro pa nga ito na wala pa daw masyado laman ang kanilang bahay at mag iipon pa upang makumpleto ang mga kagamitan.

Gaya ni Rocco ay nakakatuwa nga na makita na natapos na ang pinangarap nitong garden na kanyang pinag-ipunan.