Coleen Garcia, ibinahagi ang kanilang masayang paglalaro ni baby Amari habang nakasakay ito sa isang basket

Ang napaka-cute na si Baby Amari ay muling kinagiliwan ng publiko, mula sa kaniyang mga nakakatuwang reaksyon at mga cute videos kasama ang kaniyang adorable parents na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Tila’y sinusulit ng celebrity couple ang kanilang quarantine moments na makasama at maka-bonding, ang kanilang panganay na anak sa kabila ng kanilang busy schedule.


Credit: @coleen on Instagram

Kaya naman ang bawat segundo at minuto na kasama nila ang kanilang anak ay mas nagiging espesyal lalo na kapag nasilayan at narinig na ang mga cute na facial expression ni Amari.

Isa na nga dyan ang masayang bonding moment ni Coleen at Amari na siyang makikita sa mga videos na in-upload ng aktres sa kaniyang Instagram.




Credit: @coleen on Instagram

Sa video ay makikita ang pag-eenjoy ni Amari habang nakasakay sa isang basket at hinihila ni Coleen ang isang taling naka konekta sa basket.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“This is us today! With a basket, blanket, shoelace, Amari’s favorite alligator toy, and ofc @ms.tamomo! 😄💙”

Makikita ang kasiyahan sa mukha ni Amari lalo na at kaniyang kasama ang kaniyang fur-sister na si Tamomo sa kanilang paglalaro.


Credit: @coleen on Instagram

Napakabilis nga naman ang panahon at ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ng isilang ni Coleen ang kanilang panganay.

Hindi naman napigilan ng celebrity mom na malungkot sa mabilis na paglaki ni Amari, ayon sa kaniyang naging komento sa kanilang cute pictures na magkasama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“Please don’t grow up too fast. 😢💙”

Tila’y ang bawat ngiti at oras na kasama si Amari ang siyang naging kalakasan ni Coleen, habang ginagampanan ang kaniyang pagiging loving at supportive mom kay Amari.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“I feel like a sloppy mess on most days, and I rarely have the time or energy for anything that isn’t baby-related. But seeing this little guy’s smile and knowing that he’s perfectly happy & healthy is enough to fill my tank until I overflow. 🥰 You don’t just make every single thing worth it, you also make it beautiful.”