‘Sample King’ Jhong Hilario, sulit ang bawat oras at panahon kasama ang kanyang anak na si Sarina

Daddy duties muna ang haharapin ng aktor, host at dancer na si Jhong Hilaro “Sample King” matapos manganak ang kanyang pinakamamahal na si Maia Leviste Azores.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Naipanganak ang kanilang baby girl na si Sarina noong March 27. Inanunsyo ni Jhong na siya ay magkakaroon na ng anak noong Pebrero.

“Hello my LOVE!!! ❤❤❤ #Sarina #SamplePrincess”




kinongratulate si Jhong ng kanyang mga co Host sa It’s Showtine noong nanganak na si Maia.

“Yeheeeeeeeeeeyyyy!!!! CONGRATULATIONS!!! Super kyooot ni bagets! Nakasmile sya!” ito ang pagbati ng kaniyang Showtime co-host na si Vice Ganda.

Bumati rin ang kaniyang mga katrabaho sa showbiz katulad nina Rodjun Cruz, Jed Madela, Geneva Cruz at Ogie Diaz.


Credit: @jhonghilario on Instagram

“Congrats, Jhong and wifey! Alam na pag kailangan ng tips ha? Andito lang ang eksperto. Hahaha! Happy for you, mah friend!!!” ito ang sambit ni Ogie Diaz.

Kaya naman, pansamantala muna na hindi makikita si Jhong sa telebisyon upang maalagaan ang kanyang mag-ina lalo na sa panahon ng pandemya ngayon.


Host ng isang noontime variety show sa ABS CBN na It’s Showtime si Jhong Hilario at siya din ay parte ng isang show na Your Face Sounds Familiar.


Tut0k muna si Jhong ngayon sa kanyang pamilya at suportado naman ng kanyang mga kasama at management ang ginawang desisyon ni Jhong.

Konektado pa rin naman si Jhong ang kaniyang mga kasama sa online sa pamamagitan ng zoom at sa isang episode ng It’s Showtime ay nakausap pa niya ang kaniyang mga co host at kinamusta ang kalagayan nila.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Si Jhong ay kasalukuyan ding nanunungkulan bilang isang konsehal sa Makati. Kaya naman, masasabi natin na all around talaga ang aktor. Siya ay isang aktor, konsehal at isang mabuting padre de pamilya.