Zsa Zsa Padilla, ipinasilip sa publiko ang kanilang napakaganda at sobrang lawak na bahay na matatagpuan sa Quezon

Hindi na mapigilan ang hatid na tag-init ngayong nalalapit na naman ang pagdating ng summer at karamihan sa atin ay naghahanap na ng magandang lugar at preskong bakasyunan kasama ang pamilya at minamahal.

Kaya naman kung hanap mo ang maaliwalas na paligid, na may sariwa at preskong hangin na talagang iyong mae-enjoy para sa paparating na summer vacation, ang Casa Esperanza na matatagpuan sa Piis, Quezon ang siyang perfect para sayo.


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Marso pa lamang ng nakaraang buwan, nang buksan sa mga turista ng Divine Diva na si Zsazsa Padilla kasama ang kaniyang partner na si Conrad Onglao, ang kanilang mala mansyong tahanan na matatagpuan sa probinsya ng Quezon.

Mula sa kanilang napakaganda at malawak na lupain na may modern-rustic na tema ng kanilang tahanan, sa wakas ay kanilang binuksan sa publiko upang gawing bakasyunan at maaari ng rentahan ang dalawang casitas na isa sa mga tinayo nila dito.




Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Tiyak na pasok sa iyong panlasa ang angking ganda ng kapaligiran at tunay ngang mararamdaman ang masayang bakasyon at iyong makakamit ang pagre-relax habang tinatanaw ang bawat luntiang puno’t halaman na nakapaligid sa lugar.

At kung namiss mo ang pagbabakasyon sa probinsya, ang Casa Esperanza ang bahala sa’yo, dahil bukod sa sariwang hangin ay mamamangha ka naman sa modernong disenyo ng bawat casita, kasama na ang pavilion pati na rin ang kanilang swimming pool at pond na makikita dito.


Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Sa Instagram post ni Zsazsa ay masayang inanunsyo ng Divine Diva na maaari ng magpa-reserve sa kanila para sa mga gustong magbakasyon sa Casa Esperanza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zsa Zsa Padilla (@zsazsapadilla)


“Hi! Happy to announce that we are available for reservations!!! We are listed on Air BnB. We are offering a special discount for first three bookings! See you!”




Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Sa naturang post niyang ito ay makikita rin ang ilan sa mga larawan na tiyak na ma-eenjoy ng kahit na sino ang pagbabakasyon sa kanilang mala mansyong tahanan nilang ito.