Ivana Alawi, ibinahagi ang isa sa kanilang mga paborito at sikretong recipe sa isang mala-cooking show kasama ang kanyang Mama

Ang matagal ng nire-request ng mga netizen na isang cooking show sa pagitan ng aktres at isa sa mga hinahangaan at tinitingalang YouTube vlogger na si Ivana Alawi, kasama ang kaniyang ina na si Fatima o mas kilala bilang si Mama Alawi, ay tinupad na ang matagal ng request ng kanilang mga supporters.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa bagong vlog na inilabas ni Ivana sa kaniyang YT channel ay kaniyang nakasama sa isang masayang cooking show si Mama Alawi ay kanilang ipinasilip ang ulam na madalas na niluluto ng aktres at ang isa sa mga sikretong recipe ng kanilang pamilya.

Isang Chicken Binagoongan ang kaniyang niluto at ipinakita kung papaano niya ginagawa ang kaniyang sariling bersyon ng ulam na ito.




Credit: Ivana Alawi Youtube

At dahil nasailalim pa din sa community quarantine ang bansa ay naisipan ni Ivana na ibahagi ang recipe na kanilang gagawin ni Mama Alawi, na siyang maaari na ring gawin sa inyong mga tahanan.

“Gusto kong i-share sa inyo ang mga recipe kasi lagi tayong nasa bahay. Tsaka mas gusto namin ang lutong bahay kesa bumibili sa labas, kasi mas safe tsaka mas masarap.”

Ang bagoong alamang, manok, okra, ampalaya, talong, sibuyas, kamatis, bawang, at asukal ang mga pangunahing sangkap sa inilutong Chicken Binagoongan ni Ivana.

At kung isang Pinoy food ang inihanda ni Ivana ay siya namang kabaligtaran ang inihanda ng kaniyang ina dahil pagdating sa nilutong dish ni Mama Alawi, ay isang Seafood Salad Thai Style ang kaniyang ipinakita.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Ayon kay Ivana ay ito ang unang beses na kanilang ibinahagi ang isa sa mga secret recipe ng kanilang pamilya, na siyang naging patok din sa mga naging costumer nila noon sa kanilang dating restaurant sa Bahrain.

“Itong recipe ngayon pa lang namin ipapakita ‘to, so isa ‘to sa mga secret – isa ‘to sa mga pinakamabentang gustong-gusto ng mga kumakain.”


Credit: Ivana Alawi Youtube

“Meron kasi kaming restaurant dati na Thai & Filipino Cuisine, yung chef na nagturo kay Mama is really from Thailand, so authentic Thai seafood sya ng restaurant namin.”

Mga fresh na alimasag, hipon, squid, tahong, lemon, patis, bawang, chili, at wansoy ang siyang pangunahing sangkap naman sa paggawa ng Thai Seafood Salad ang siyang iniluto ni Mama Alawi.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Pagdating sa tikiman time ay pantay lamang ang kanilang nakuhang puntos mula sa ibinigay na boto na 2-2 ng mga taong kasama nila sa kanilang bahay.