Megastar Sharon Cuneta, naging emosyonal habang kausap ang kanyang panganay na si KC Concepcion sa isang pambihirang pagkakataon

Isang masayang silver wedding anniversary ang ipinagdiwang ni Mega Star Sharon Cuneta at asawa nito na si Sen. Kiko Pangilinan kahapon, April 28.

Sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay marami ang nagbigay ng pagbati sa kanilang dalawa, at ang ilan pa sa kanila ay nagbahagi rin ng mga lumang litrato na makikita ang pagiging sweet nina Sharon at Kiko sa isa’t-isa.


Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Bukod pa dyan ay tila’y mas lalo namang naging espesyal ang kanilang pagdiriwang ng anibersaryo, matapos makasama sa isang face time ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion sa dating asawa nito na si Gabby Concepcion.




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Sa video na inilabas ni Sharon sa kaniyang Instagram ay makikitang naka-face time nya si KC, upang batiin silang dalawa ni Sen. Kiko sa kanilang anibersaryo.


At ng masilayan ang mukha ni KC sa screen ay dito na rin bumuhos ang emosyon ni Mega Star, at napigilan ang maluha sa kanilang naging pag-uusap ng kaniyang anak.

Sa kanilang naging pag-uusap ay ilang beses ipinadama ni Sharon ang kaniyang labis na pagmamahal at pagka-miss kay KC sa pagsasabi ng “I love you” at “I miss you” sa kanilang naging face time, na siyang ibinalik din naman ni KC sa kaniyang ina.


Credit: @itskcconcepcion on Instagram

“I miss you, I love you even if basta I text you, I know you read it. I’ll always update you there. I love you, I’ll update everything para you aware lang,”

Samantala, sa post naman ni KC sa kaniyang Instagram ay kaniya ring ibinahagi ang larawan nila ni Sharon, habang sila ay magka-face time at makikita sa kaniyang caption ang naging taos-pusong mensahe naman nito para kay Mega Star.


“A video call from mom is super rare and I cherish every second of it!!! 😍 You have no idea how excited I get to have the chance to just do a bit of girl talk with you @reallysharoncuneta ✨ So happy to be part of your intimate 25th wedding anniv celebration. Hope you like the food I sent… Ang ganda ng Nanay ko!!! My heart is filled with gratitude for so many reasons. Love you Ma 💖”




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Ikinasal si Sharon at Sen. Kiko noong taong 1996 at biniyayaan ng tatlong anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.