Andi Eigenmann, proud sa kanyang anak na si Ellie dahil sa kanyang ipinakitang galing sa mga bagong bagay na kanyang natutunan

Ang bawat tagumpay na nakakamit ng mga anak ay nagsisilbi ring tagumpay para sa mga magulang.

Ganito mailalarawan ang pagiging proud at supportive ng celebrity mom na si Andi Eigenmann sa kaniyang mga anak, lalong-lalo na sa panganay na babae na si Ellie na kaniyang anak sa dating kasintahan na si Jake Ejercito.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Halos mag-iisang buwan na rin ng simulang magbakasyon si Ellie sa Maynila upang makasama at maka-bonding ang kaniyang Daddy na si Jake.

Pansamantala mang nagkahiwalay ang mag-ina, ay hindi naman mapipigilan ang pagbuhos ng pagmamahal at pagiging proud ni Andi para kay Ellie sa lahat ng mga achievement na nagagawa nito mula pa man noon hanggang ngayon.




Credit: @andieigengirl on Instagram

At patunay nga nito ang video na ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account at makikita ang seryosong mukha ni Ellie habang pinapatugtog nito ang kantang “Somewhere in Time” gamit ang piano.

Sa naging caption ni Andi sa naturang post ay kaniyang ibinahagi ang pagiging proud mommy nito na masaksihan at makita ang bawat achievement na nakakamit ng kaniyang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


“It makes me proud as a parent, when I see my kids falling in love with various activities I introduce them to. But more so when I see them discover new things and fall in love with them, on their own.”

Masaya si Andi na kaniyang naibibigay ang buhay na ito at nararanasan ng kaniyang mga anak na makita at magawa ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan para sa kanila.


Credit: @andieigengirl on Instagram

“It’s a win for me to be able to give them this life, and see them happy living it. But the true win is them knowing for sure that there is no reason to be ashamed of getting out there, to be whoever they wish to be, and choose to live a life that makes them happy.”

Sa kahit anong landas man ang tahakin ng kaniyang mga anak, ay hindi pa rin mawawala ang pagmamahal at suporta ni Andi na kaniyang ibibigay para sa kanila.


Credit: @andieigengirl on Instagram

“Regardless of how different that may be from mine, I will support them and they will always have me.”

Maliban kay Ellie, ay may 2 anak din si Andi sa kaniyang fiancé na isang champion sa surfing na si Philmar Alipayo, at ito ay kaniyang mga cute na anak na sina Lilo at bunsong anak na si Baby Koa.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Taong 2011, nang isilang ni Andi ang kaniyang panganay na anak na si Ellie.