Silipin ang napakalawak na garden ni Jinkee Pacquiao na punong puno ng mga naggagandahang mga halaman

Ang certified Plantita na si Jinkee Pacquiao ay mas lalong hinangaan ng publiko dahil sa kaniyang labis na pagmamahal at hilig sa pag-aalaga ng mga halaman.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay atin namang silipin ang mala paraiso sa ganda at umaapaw sa mala berdeng tanawin mula sa garden na makikita sa Mansion 2 na siyang pagmamay-ari mismo nina Jinkee at Sen. Manny Pacquiao.


Credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Sa panibagong vlog na inilabas ng sports reporter at tennis player na si Dyan Castillejo, ay kaniyang isinama ang publiko sa naging pagbisita nito sa Mansion 2 nina Jinkee at kaniyang ipinakita ang napakagandang garden ng pamilyang Pacquiao.

Sa tulong ni Roize Royal na siyang paboritong landscaper ni Jinkee at isang design managing director, ay kaniyang ipinakita sa publiko ang bagong landscape design ng garden nina Jinkee.



Pagpasok sa kanilang Mansion 2 ay bubungad sayo ang kakaibang tropical vibes mula sa landscaping na ginawa sa gilid ng basketball court ni Sen. Manny, at mula dito ay makikita rin sa bawat gilid ang mga naggagandahang Curly Tops plants.

At pagdating naman sa kanilang Bulwagan ay mamangha ka naman sa hatid nitong Japanese Zen vibes, magmula sa naging landscaping ng mga halaman, lalong-lalo na ang isang Giant Bonsai Tree.


Credit: Dyan Castillejo Youtube

Ngunit hindi naman magpapahuli ang tila’y isang rebulto ni Manny na naka boxing pose ang hugis, na gawa mismo sa halaman at ang ibabang bahagi naman nito ay makikita ang Pandakaki Plant na nagbigay kagandahan rin sa lugar na ito.

Ayon kay Roize ay sa tuwing may mga special occasion si Sen. Manny ay paniguradong siya na ang hahanapin ni Jinkee upang ayusin at gawan muli ng panibagong ayos ang kanilang garden.

“Kasi si Jinkee, everytime na may party si Sir Manny, like nasa ibang bansa kayo tas’ ako maiiwan dito, – she keep on thinking na ano ba pwedeng magawa na naman sa garden.”


Credit: Dyan Castillejo Youtube

Maliban sa mga halamang ito ay isa rin sa mga nagbigay kagandahan sa garden ng pamilyang Pacquiao ay ang mga naglalakihang mga paso na siyang nagpa-angat lalo mismo sa ganda ng mga tanim na makikita mula dito.

“Kasi alam mo na kung papano sya magiging outstanding eh, so may mga ordinary na plants lang na kapag nilagay mo sya sa pots na extraordinary, nagiging outstanding na siya, nagiging head-turner na siya.”


Credit: Dyan Castillejo Youtube

Pagdating naman sa paboritong halaman ni Sen. Manny ang Variegated African Talisay, ang siyang natatanging request nito kay Roize na hindi maaaring mawala sa kanilang garden.

Huling ipinakita ni Roize ang mga Aglaonema Plants na siyang makikita sa main house ng Mansion 2 at ang Silver Buttons Plant at Philodendron Pink Princess na siya namang pinakapaboritong halaman ni Jinkee sa kanilang mansyon.




Credit: Dyan Castillejo Youtube

Ang Mansion 2 na ito ng pamilyang Pacquiao ay matatagpuan mismo sa kanilang hometown sa General Santos City.