Karla Estrada, nagpasalamat sa kanyang mga kaibigan sa paglulunsad ng community pantry kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak na si Daniel Padilla

Dahil sa laking tulong na hatid ng Community Pantry na in-organisa ng ilan sa ating mga kababayan upang maghatid ng tul0ng sa mga pamilya sa kabila ng pandemya, ay marami naman ding mga celebrities ang tumul0ng at gumawa rin ng kanilang mga community pantries.


Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Ang ilan pa sa kanila ay ginamit rin ang pagkakataong ito upang i-celebrate ang kanilang kaarawan sa pamamagitan ng pagtul0ng sa mga tao.

Isa na nga dito ay ang mahusay na aktor na si Daniel Padilla, matapos gumawa ng sariling community pantry sa lugar ng Tacloban City bilang pagsalubong sa kaniyang kaarawan ngayon, April 26.




Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Masayang ibinahagi ng kaniyang ina na si Karla Estrada na isang TV host ng “Magandang Buhay”, ay kaniyang ipinakita ang ilan sa mga larawan sa naganap na community pantry na inorganisa mismo ng mga kaibigan ni Karla.

Makikita sa mga larawan na ito ang mga nakalatag sa mesa na mga pagkain tulad ng mga gulay, itlog, noodles, biscuit at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)


Nakasuot rin ng itim na damit ang mga kaibigan ni Karla, na may nakalagay pang “Sangkay” sa kanilang mga kasuotan.

Mapapansin rin ang malaking banner na may nakalagay na “Happy Biryhday Daniel Padilla”, at ang “Sangkay Community Pantry”.

Kapansin-pansin rin na sa kasagsagan ng kanilang pamimigay ng tulong sa Tacloban, ay makikita rin ang naging kaayusan sa naturang community pantry at ang pagsunod sa social distancing at pagsusuot ng facemask ng mga taong nakapila.


Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

Labis namang pinasalamatan ni Karla ang kaniyang mga kaibigan na nag organisa ng community pantry na ito, kahit na wala ang kanilang presensya ng kaniyang anak na si Daniel sa paghahatid ng tul0ng.




Credit: @karlaestrada1121 on Instagram

“Maraming Maraming Salamat sa aking mga SANGKAY (kaibigan) sa Tacloban sa pag organisa ng pag kakawang gawa. Ito aY buong puso ninyong ginawa para sa pagsalubong sa kaarawan ni Daniel. Mabuhay kayo aking mga kaibigan !!! Masayang maging bahagi ng paghatid tulong sa kapwa. TO GOD BE ALL THE GLORY🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Ipinagdiriwang ni Daniel ang kaniyang ikaw-26 na kaarawan ngayong araw, April 26.