Anne Curtis, ipinakita ang masayang bonding ng kanyang anak na si Dahlia Amelie at kapatid nyang si Jasmine Curtis Smith habang sya ay busy sa trabaho

Ang napaka-cute na si Dahlia Amelie ay masayang naka-bonding ang kaniyang Tita Jasmine Curtis-Smith, na siyang kapatid at celebrity mom ni Dahlia na si Anne Curtis.

Maliban sa playmate ni Dahlia na si Tili, ay tila’y ang kaniyang Tita Jasmine naman ang pansamantalang naging playmate nito sa loob ng isang araw.


Credit: @annecurtissmith on Instagram

Sa video na ibinahagi ng aktres na si Anne sa kaniyang Instagram, ay makikitang magkasama ang mag-Tita sa loob ng white playhouse ni Dahlia, habang naglalaro ng lutu-lutuan.

Ang regalong mini play kitchen ni Jasmine kay Dahlia noong 1st birthday nito, ang siyang kanilang naging bonding time dalawa.




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Tila’y ang pagkahilig ng kaniyang Daddy na si Erwan Heussaff pagdating sa pagluluto sa kusina, ay siyang labis naman na nagustuhan ni Dahlia at makikitang nais na rin nitong i-enjoy ang pagluluto.

Sa caption ni Anne sa naturang post ay kaniyang pinasalamatan ang kapatid na si Jasmine, sa pagbabantay at pagiging playmate ng kaniyang anak sa tuwing sunod-sunod ang kaniyang mga online meetings.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)


“#IDontSayThisEveryDayBut thank you to my sestra for being an amazing Tata. Whenever I have a day full of zoom meetings or one of the rare days I go out to work or may it be just any random day,”

Ayon pa sa aktres ay hindi lamang lutu-lutuan ang ginawa ng mag-Tita dahil pati ang pagma-magic tricks ay kanila ring naging bonding time ni Dahlia.

“I appreciate you coming to play house or lutulutuan and yes, even magic magic 😂 with Dahlia.
Love you sestra @jascurtissmith 😘”


At ang maging playmate ni Dahlia ang siyang naging favorite role naman ayon kay Jasmine, matapos ibahagi nito sa kaniyang IG story ang post ni Anne at may caption pang, “Favorite Role”.

Dahil dito ay hindi naman nagpa-awat ang mga netizen at nagbigay din ng kanilang mga komento at saloobin sa cute video na ito ni Dahlia at Jasmine.

“Cuteeeeeee❤️❤️❤️❤️❤️”




Credit: @annecurtissmith on Instagram

“ang cute naman ng cubby house ni baby girl 😍”

“OMG Dahliaaaaaa 😍”

“Ay ang cute cute naman ❤️❤️❤️”