Gladys Reyes, gumawa ng nakakatuwang mala-Kdrama na eksena gamit ang mga salitang kapampangan

Ang aktres na si Gladys Reyes ay kinagiliwan ng maraming kapampangan at iba pang mga netizens sa kaniyang naging post sa kaniyang Instagram account na kung saan siya ay gumawa ng video na kung saan tila ba siya ay may kausap sa kaniyang phone at nagsasalita ng kapampangan ngunit ito pala ay kapampangan with a twist dahil ang kaniyang mga salita ay may tono na para bang koreano tulad na lamang ng atin mga napapanood na kdrama.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram



“This is for all my fellow “cabalen” who are also K drama lovers. This is when you watch too much K drama and you’re a kapampangan. Just good vibes!! #kpampangan #proudkapampangan”


Ito ang caption ni Gladys sa kaniyang nasabing post. Halatang halata naman na siya ay sobrang proud bilang maging kapampangan. Marami rin ang nag-akala na nagsasalita talaga siya ng koreano ngunit nang ito ay pinakinggan nila ng mas mabuuti ay napagtanto nila na kapampangan ang sinasabi ni Gladys.

Sa nasabing post ni Gladys ay nag-iwan ng komento sina Jennifer Sevilla, Lani Misalucha at si Judy Ann Santos-Agoncillo dahil sila ay naaliw at nacute-an kay Gladys.


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Narito rin ang ilan sa mga komento ng mga netizens sa video:

“Kala ko korean. Napansin ko after iba pala language hehe”

“Galing galing mo talaga ka gladys”


Credit: @iamgladysreyes on Instagram

“Love it😂kdrama fanatic here😍”

“galeng mu talaga idol, makatula ka proud cabalen ni.” (galing mo talaga idol, nakakatuwa ka proud cabalen)

Ang post ay umani na ng 88k views sa loob lamang ng isang araw mula ng ipost niya ito noon lamang Abril 20.




Credit: @iamgladysreyes on Instagram

Marami nga namang mga nakarelate kay Gladys dahil sa panahon ngayon ay maraming mga nahuhumaling sa mga kdrama lalong lalo na maraming mga stay-at-home ngayon dulot ng pandemya. Tila ba sila ay nagagaya narin sa mga accent at tono ng mga salita ng kanilang mga iniidolong oppa sa mga kdramang sinusubaybayan ng mga ito.