Rachelle Ann Go at asawa nyang si Martin Spies, masayang ipinagdiwang ang kanilang ika-3 taong wedding anniversary kasama ang kanilang baby na si Lukas Judah

Matapos ang matagumpay na pagsilang ng Singer na si Rachelle Ann Go sa kanilang panganay na lalaki na si Lukas Judah, sa kaniyang asawa na si Martin Spies noong March 26 ay ito rin ang nagsilbing challenging moment para sa kaniya bilang first time mom.

Labis ang naging pasasalamat nina Rachelle at Martin sa Panginoon dahil sa kaligtasan na ibinigay sa kanilang mag-ina, sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng mundo ngayon.


Photo Credit: @gorachelleann on Instagram



Makikita sa larawang ibinahagi ni Rachelle sa kaniyang Instagram ang unang larawan nila bilang pamilya na ngayon ay sa wakas at kasama na nila si Baby Lukas.

“First Easter Sunday as a family of 3🙏🏽☀️ Jesus is alive!✨ #HeIsRisen #BabySpies2021”

Dahil ito ang unang beses ng singer na maging isang ganap na ina, ay hindi rin naging madali ang kaniyang pinagdaanan lalo na at bago pa lamang sa kaniya ang pagiging isang Mommy kay Baby Lukas.


Kaya naman sa mga larawang ibinahagi ni Rachelle ay kaniyang ibinahagi ang ilan sa kaniyang mga naging karanasan na siyang sumubok sa kaniyang pagiging isang first time mommy.

“I didn’t sleep at all! I didn’t know how to carry Lukas out of his cot🤦🏻‍♀‍ I contemplated for probably half an hour, tried to maneuver him out, I failed.”

Ganunpaman, ay hindi naman nawala ang gabay at suporta ng kaniyang asawa na si Martin at ipinakita ang pagiging loving at supporting husband nito para kay Rachelle.


Photo Credit: @gorachelleann on Instagram

At ngayon na sila ay nagdiriwang ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang mag-asawa, ay isang taos-pusong mensahe ang ipinaabot ni Rachelle para kay Martin.

Sa larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram ay makikita ang kanilang family picture, na kung saan ay nakasuot sila ng formal attire habang nakasama naman nila sa naturang larawan ang kanilang anak na si Lukas.


“We are 3 on our 3rd wedding anniversary✨ Thank you for being the best @spiesmj 🙂 I praise God for you everyday🙏🏽I love you♥️ #marriage #family #firsttimeparents”

Samantala ay hindi naman din nagpahuli si Martin at nag post din ng kanilang larawan at isang mensahe rin ang kaniyang pinaabot sa asawa.

“3 years married today. So much to be grateful for. All the glory to God. Love watching you be a mama, Shin! Love you! #marriage #family”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Martin Spies (@spiesmj)


Ikinasal sina Rachelle at Martin sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa noong April 18, taong 2018.