Anak nina Jinkee at Manny Pacquiao na si Mary, sinubukan mag tagalog ng diretso sa buong araw kasabay ng kanyang closet tour

Matagal ng naging trend sa social media ang isa sa mga nausong challenge ngayon ang “Tagalog Challenge”, na ginawa pa mismo ng ilang mga celebrities sa kani-kanilang YouTube channel at pinatunayan sa publiko na sila ay proud Pinoy.


Credit: Mary Pacquiao YouTube

Kaya naman sa challenge na ito ay hindi naman nagpahuli ang anak ng boxing champion at senador ng Pilipinas na si Manny Pacquiao, ang kaniyang anak na babae na si Mary Pacquiao.

Nakisabayan din si Mary sa trend na ito at hindi rin inatrasan ang hamon sa kabila ng kaniyang hirap sa pagsasalita ng tagalog.

Bago simulan ang challenge na ito ay kaniya ring nakasama sa kaniyang YouTube vlog ang kaniyang kapatid na babae na si Queenie Pacquiao.




Credit: Mary Pacquiao YouTube

Habang sinimulan ang challenge ay naisipan rin ni Mary na mag photoshoot kasabay ang pagsasalita sa Tagalog habang kaniyang kinakausap ang kaniyang mga supporters.

Nagsilbing make-up artist naman ni Mary ang kapatid na si Queenie matapos mag prisenta nito na siya raw ang mag make-up sa kaniyang kapatid.


Credit: Mary Pacquiao YouTube

Sa unang pagsubok sa challenge ay makikitang medyo nahirapan si Mary sa pagsasalita ng Tagalog at may mga pagkakataon din na siya ay nakakapagsalita sa Bisaya.

Ganunpaman ay hindi pa rin inatrasan ni Mary ang kaniyang challenge sa kabila ng paminsang pagkakamali at nakakapag salita pa rin sa wikang Ingles.

Maliban sa Tagalog challenge na ito ay ipinasilip din niya ang kanilang closet na siyang makikita sa bawat drawers, ay may mga label na nakalagay upang madaling malaman at makita ang bawat nakalagay sa loob nito.

Sunod niya rin ipinakita ang kanilang lagayan ng kanilang mag dresses, bags, mga damit na kanilang ginagamit sa simbahan at kanilang school uniform.




Credit: Mary Pacquiao YouTube

Kung nabitin ka sa munting closet tour na ginawa ni Mary ay magkakaroon namang ng house tour na siyang matagal ng request ng kanilang mga supporters, at ayon kay Mary ang kaniyang Mommy na si Jinkee Pacquiao, ang gagawa ng isang house tour sa YouTube channel nito.

Bukod kay Mary at Queenie ay mayroon din silang ibang kapatid na sina Jimuel, Michael at Israel Pacquiao.