Tatay na mabait na nag-abot ng tulong noon kay Ivana Alawi, ipinakita ang mga napakaraming regalong natanggap mula sa aktres

Matatandaang isa sa mga vlog ni Ivana ay ang kanyang “pulubi prank” na kung saan kung sino man ang tutulong at magbibigay sa kanya ay makakatanggap ng pera.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Isa sa mga labis na naka-antig sa puso ni Ivana ay ang puto vendor na si Joselito Martinez. Sobrang tuwang tuwa at napaiyak pa si Ivana sa pagtulong sa kanya ni Mang Joselito na binigyan siya ng 20 pesos at pinapabaunan pa ng puto.

Kaya, di mapigilan ni Ivana na maiyak sa kabaitan na ito ni Mang Joselito. Binigyan siya ni Ivana ng 20,000 pesos bilang pabuya.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Pero, hindi lang nagtatapos iyan doon. Dahil pagkatapos nito ay sinadya at pinuntahan pa ni Ivana si Mang Joselito sa kanila at mayroon pang mga regalong ibinigay.

Kaya naman, sa video na inupload ni Mang Joselito ay makikita ang mga regalo na ito.


Credit: Joselito Martinez Youtube

“Mga Regalo Sa Akin ni Ma’am Ivana Alawi,” saad ng title ng video na inupload ni Joselito.

Isa sa pinakamahalagang bigay ni Ivana ay ang motorbike na malaking tulong sa kanyang pagtitinda ng puto. Bukod pa dito, may iba pang bigay na appliances si Ivana gaya ng flat screen television at refrigerator. Mayroon ding bigay si Ivana na mga kitchen utensils at stainless container para sa puto na kanyang binebenta.


Credit: Joselito Martinez Youtube

Talaga nga namang napakalaki ng puso ni Ivana pagdating sa pagtulong. Bukod sa kanyang ganda, ay talaga nga namang napakaganda din ng kalooban ni Ivana na talagang makikita sa kanyang mga vlogs at sa personal na buhay.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa blessing na natanggap na ito ni Mang Joselito:

“You deserved it tatay, napaka buti mong Tao. Hoping na dika magbago.”




Credit: Joselito Martinez Youtube

“God Bless You tatay! Isa ka lang sa example ng kasabihang, kapag tumulong ka sa kapwa, mas malako ang ibabalik ng Panginoon sayo ❤️ Sana maraming Ivana Alawi with a Golden Heart. Sabay ng pag angat nya ang pag angat din ng ibang tao 😊 Stay blessed Ivana and Family ❤️”

“You deserved all of it po tatay. Sana po hindi kayo magbago at patuloy na maging mapagbigay sa kapwa natin. Godbless you more tatay!!❤️❤️”