Coleen Garcia, ibinahagi ang mga napakacute na larawan ni baby Amari kasabay ng kanyang ika-7th month celebration

Naging usap-usapan ngayon sa social media matapos mag-viral ang mga cute na larawan ng anak ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na si Baby Amari na nagdiwang ng ika-7 months old nito kahapon, April 10.

Hindi mapigilan nina Coleen at Billy ang kanilang pagiging proud Mommy at Daddy sa kanilang anak, matapos mailabas ang mga cute na larawan ni Amari sa kaniyang naging photoshoot.


Credit: @coleen on Instagram

Makikita sa magkahiwalay na Instagram post nina Coleen at Billy ang larawan ni Amari, na siyang tila`y nag-enjoy ito sa kaniyang naging photoshoot base sa kaniyang mga poging ngiti at reaksyon sa bawat larawan.

“Best 7 months ever for us! Our squishy little boy has a big personality and is so fun to be with. 🤪 It just keeps getting better and better with him. Happy 7th, my baby! 💕”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Hindi maikakaila na katulad ng kaniyang Mommy at Daddy ay marunong na rin itong magpa-pogi sa harapan ng kamera kaya naman ang ilan sa mga netizen ay napahanga sa kaniyang ka-cute-an.

At dahil 7 months na si Amari ay hindi naman maaaring mawala sa espesyal na araw na ito ang kaniyang fur-sister at bestfriend na si Tamomo, na siyang nakasama din sa naturang pictorial.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Dahil sa mga cute na larawang ito ni Amari ay umani naman ng samu’t-saring papuri mula sa mga netizen at ang ilan pa ay hindi napigilan ang kanilang komento sa nasaksihan.

“I don’t deserve this but I have it. God, You truly are an amazing God! Daddy loves you and will always be thankful for you and mommy! 🥰👼”

Isa na nga diyan ang kaibigan ni Billy na isang celebrity at TV host na si Luis Manzano matapos magbigay rin ng nakakatawang komento sa larawan nila ng kaniyang anak habang karga-karga ito.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Ayon kay Luis ay nais nyang gayahin ang shot na ito ngunit siya naman ang papalit kay Amari na kakargahin ni Billy.

“Can we recreate this shot? Ako si Amari? Hihihi”

Isinilang ni Coleen si Baby Amari noong September 10 ng nakaraang taon.