Ryzza Mae Dizon, ipinasilip ang mga magagandang pagbabago sa kanyang kwarto sa isang panibagong vlog

Sa katatapos lamang na house tour ng aktres, TV host at kinilala bilang si “Aling Maliit” na si Ryzza Mae Dizon sa reality noontime show ang Eat Bulaga, ay inyong nasilayan ang kanilang humble home na matatagpuan sa Tandang Sora, Quezon City.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Sa panibagong video na mapapanood sa YouTube channel ng aktres ay kaniyang ipinasilip sa publiko ang itsura ng kaniyang kwarto at binigyan ang kaniyang mga supporters ng isang room tour.

Pagpasok pa lamang sa kaniyang kwarto ay kulay pink ang naging tema nito, na siyang bumagay sa pagiging Kikay at personality ni Ryzza.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Unang ipinakita ng aktres ang kaniyang mga cabinets, na siyang makikita ang kaniyang mga bags, sapatos, at pagdating naman sa kaniyang mag personal na gamit tulad ng make-ups, ay mapapansing naka-organize ang bawat isa sa mga ito.

Katabi nito ay ang dalawa pang cabinet na siyang pinaglalagyan naman ng mga damit ni Ryzza, pambahay at pang-alis.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Sunod niyang ipinakita ang larawan ng kaniyang pagkahumaling sa South Korean Boy Band ang BTS, na sina Jungkook at Jimin.

Katabi naman nito ay ang dresser ni Ryzza na siyang makikita mula dito ang ilan sa mga make-ups na kaniyang ginagamit sa kaniyang mga online hosting.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Katapat ng kaniyang dresser ay ang kaniyang drawer na makikita naman dito ang kaniyang mga gadgets tulad na lamang ng laptop, camera, at tablet na kaniyang ginagamit sa tuwing siya ay nage-edit ng kaniyang mga YouTube videos.

Hindi naman din mawawala sa kaniyang kwarto ang kaniyang kama at bedside table.


Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Sa itaas na bahagi naman ng kama ni Ryzza ay makikita ang kaniyang floating shelves, na naka display naman mula dito ang kaniyang silver play button, Instax, Blackpink light stick, at pati na rin ang Blackpink music album.

At dahil halos karamihan sa mga klase ngayon ay online class na, ay ipinakita rin ni Ryzza ang kaniyang computer area na ginagamit niya sa klase, at dahil siya ay work from home ay dito rin niya ginagawa ang kaniyang mga virtual hosting.




Credit: Ryzza Mae Dizon Youtube

Huli namang ipinasilip ni Ryzza ang itsura ng kaniyang bathroom.

Nagsimulang makilala si Ryzza ng publiko matapos siyang magwagi bilang Little Miss Philippines noong taong 2012.