Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip kung gaano kalawak ang kanyang ipinapagawang napakagandang bahay para sa pamilya

Masayang ibinahagi ni Mega Star, Sharon Cuneta ang panibagong update sa kaniyang mala palasyong tahanan na kasalukuyang under construction pa din sa ngayon.


Matatandaan na nakaraang taon nang ibahagi ni Sharon sa publiko, ang plano niyang pagpapagawa sa kanilang tahanan na kaniyang ipapatayo para sa kaniyang mga anak.

“Now am okay. I pray that we are able to complete this before they all grow up, get married and move out!” said Sharon.”




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

At makalipas ng ilang buwan ay hindi naman tumigil si Sharon sa pag-update sa kaniyang mga supporters patungkol sa mga pagbabagong naganap sa kanilang ginagawang bahay.

Sa Instagram post ni Mega ay kaniyang ipinakita sa publiko ang isang video at tila`y makikitang kasalukuyan pa ding tinatapos ang kanilang magiging bagong tahanan.


Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

“House Construction Update: Basement parking done. Ground floor being worked on now on the Family House Wing. This is half of our whole house.”


Ayon kay Sharon ay tapos na umanong gawin ang basement parking, at kasalukuyang ginagawa na ngayon ang kanilang Family House Wing na siyang kalahati ito ang kabuuang sukat ng kanilang bahay.

“They are now excavating and starting on the other half of the house, which is MY wing.😊 Yes I will have my own half of the home for my books, clothes, studio for vlogs, maybe a small recording studio, dressing room, etc. – my “She-Cave.””


At ang kalahating espasyo ng kanilang tahanan ay siya namang tinawag ni Sharon bilang kaniyang “She-Cave”, at ito ang kaniyang nagsilbing sariling Wing, na siyang magiging lugar para sa kaniyang mga libro, closet at dressing room, pati na rin ang magiging studio para sa kaniyang mga YouTube vlogs.

“Matapos sana agad – pero mga 1-1/2 years pa siguro,”




Credit: @reallysharoncuneta on Instagram

“For those asking, the total floor area of our home will be about 2,300 sqm. built across 5 lots (total lot area more or less 3,000 sqm.), scaled down from the original plan of 3,500 sqm. floor area, not including the pool, pool house and doghouse of course.😊”

Higit kumulang sa 3,000 sqm ang lawak ng kaniyang tanahan at halos isa’t kalahating taon pa, ang siyang hihintayin bago tuluyang matapos ang mala palasyong tahanan ni Mega Star.