Anak ni Sheena Halili na si Martina, todo sa pag-indak habang sinasabayan ang kanyang mommy sa pagsayaw

Ang napaka-cute na si Baby Martina ay muli na namang pinatawa at pinasaya ang publiko sa kaniyang nakakatuwang reaksyon na talaga naman kagigiliwan mo ang kaniyang napaka-cute na personality.

Siya man ang little Jeron dahil sa magkamukha sila ng kaniyang Daddy, ay tila`y walang kaduda-duda at namana naman ni Baby Martina ang pagiging energetic at masiyahin ng kaniyang ina na isang aktres na si Sheena Halili-Manzanero.

Magmula pa lamang sa mga videos nilang mag-ina ay makikitang nagkakasundo ang dalawa sa maraming bagay.

Isa na nga diyan ang video nilang dalawa na kung saan ay makikitang magkatabi sina Sheena at Baby Martina sa kanilang kama.



Makikitang habang nakalagay pa ang tuwalya sa ulo ng aktres ay hindi naman naging hadlang ito, upang sayawin ang isa sa mga nausong dance challenge ngayon sa Tiktok ang Heartbreak Anniversary na kinanta ng International singer na si Giveon.

“Tiktok, ready kana ba kay baby Martina? 🤣🥰 Pampa-saya lang po ng gabi!”

Sa video pa lamang ay makikita na ang kakaibang energy ni Sheena habang sinasayaw ito, at makikitang sa bawat galaw ng kaniyang mga braso ay siya namang paggaya rin ni Baby Martina sa kaniya.

Tila`y kahit baby pa lamang ay alam na nitong sumabay sa sayawan, kaya hindi rin nagpahuli at sinabayan ang kaniyang Mommy sa pagsayaw.


Dahil sa ipinakitang energy at good vibes nilang mag-ina ay hindi naman napigilan ng ilang netizen na magbigay ng kanilang komento at matawa sa naging pagsayaw nina Sheena at Baby Martina.

“Tiktok, ready kana ba kay baby Martina? 🤣🥰 Pampa-saya lang po ng gabi!”

“Kakaluka mag inang itooo😂😂😂”

“Ang cute naman, sumusunod talaga si baby❤️❤️❤️❤️❤️❤️”

“😂😂😂 lkaas ng trip.hahhaa…super cute nyo ni baby..😁😁❤❤”



“Super cute mo naman baby😍❤️ abangan ko yung mga iba mo pang dance ah😊”

“Haha ano daw lyrics mami haha! 😂😂 so cute ❤️😍😍”