Michael V, ginawan ng nakakatuwang parody ang nagviral na Lugaw ‘Essential’ sa himig ng kantang ‘Torpedo’

Naging usap-usapan kamakailan ang nag-viral na video ng isang Barangay official matapos nitong harangin at hindi payagan, ang isang food delivery rider na ihatid ang lugaw na planong i-deliver nito dahil sa umano ito daw ay hindi ‘Essential’.

Matapos ang naturang insidente ay umani naman ng samu’t-saring komento at hindi napigilan ng ilang mga netizen na magbigay ng kanilang saloobin patungkol sa nangyaring ito.




Credit: Michael V. #BitoyStory Youtube

Marami man ang hindi nagustuhan ang pangyayaring ito ay may iba pa rin ang labis na pinasalamatan ang mga food delivery riders, na naghahanap-buhay pa rin sa kabila ng pandemyang nararanasan sa bansa.

“Salamat sa lahat ng mga courier workers na nag sakripisyo mahatid lang ang mga essential goods. Hindi biro itaya ang kalusugan magampanan lang ang trabaho.”


Credit: Michael V. #BitoyStory Youtube

“Saludo po kmi sa inyo mga couriers and riders na nagdedeliver ng nga necessities ng mga tao sa panahon na bawal kami lumabas. Maraming salamat po sa inyo!🎉”

“Thank you to all riders grab food panda speedy lalamove all riders napaka humble ni Kuya may always God bless you. And stay safe all riders.”

Dahil dito ang Kapuso aktor at komedyanteng si Michael V, ay naisipang gumawa ng parody song na mula sa isang sikat na kanta ang “Torpedo”, na kaniyang inawit at ginawan ng sariling bersyon na pinamagatang “Essential Lang”.


Credit: Michael V. #BitoyStory Youtube

Sa naturang video ni Bitoy ay makikitang sa bawat lyrics na kaniyang kinanta ay kaniyang ini-akma sa nag-viral na video patungkol sa lugaw na hindi raw essential.

“Wag na nga kayong mapilit Barangay ang malakas sa loob Bawal tumanggi Tubig, gatas lang atsaka groceries ina-allow ng korte,”

Sa dulo ng kanta ni Bitoy ay kaniya namang inilahad ang bawat ‘essential’ na dapat isipin, gawin at sundin ng karamihan sa kabila ng pandemyang ito.

“Wear a mask. Ang proteksiyunan ang sarili at ang kapwa ay essential. Stay at home. Ang pagbawas ng hindi importanteng lakad ay essential.




Credit: Michael V. #BitoyStory Youtube

“Obey the Law. Ang tamang pagsunod at pagpapatupad ng batas ay essential. Pray for our country and the world. Ang tiwala at pananalig sa Kaniya ay essential.”