Pauleen Luna, ipinasilip ang kanilang duet sa kantahan ng napakacute nyang anak na si Tali

Ang napaka-cute na si Tali Sotto ay nakilala sa kaniyang bibong personality at ang kaniyang katalinuhan na nagpahanga sa publiko, kasama na dito ang kaniyang mga magulang na sina Pauleen Luna at si Bossing ng ‘Eat Bulaga’ na si Vic Sotto.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Maliban sa pagbabasa ng mga educational books, ay makikita din ang pagkahilig ni Tali sa pagkanta lalo na kapag kasama ang kaniyang Mommy Pauleen.

Kaya naman kahit bata pa lamang ay ipinamalas na ni Tali ang kaniyang husay at galing pagdating sa kantahan.

Tila`y ang laging ka-jamming ni Tali sa kantahan ay ang kaniyang Mommy, na makikita ang pagiging proud nito sa kaniyang anak.


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Isa sa kanilang naging jamming session mag-ina ay makikitang kinakanta ni Tali ang isa sa mga sikat na kanta noon ng Beatles ang “Here Comes The Sun”.

Makikita sa Instagram post ni Pauleen ang video nila ni Tali, habang may kasama pang bunny effect ang kanilang mga mukha sa naturang video.




“Easter Bunny 💕 Been listening to Beatles music lately and so far, she’s loving Here Comes The Sun and Love Me Do ☺️”

Sa bukod na video ay makikita naman na tila`y na-enjoy rin ni Tali ang paggamit ng musical instrument tulad na lamang ng drums.

At kapansin-pansin na kaya na din gumawa ni Tali ng sarili niyang beat habang pinapatunog ito.


Ayon kay Pauleen ay tila`y namana ni Tali ang pagkahilig nito sa music mula sa kaniyang Daddy Vic, at biro pa niya ay babawi na lamang siya pagdating sa lyrics.

“This has been Tali’s favorite toy maybe for for the past month or so! I love how she’s exploring and making her own beats. This girl definitely takes after her dad in the musical division! Bawi nalang sa lyrics si mommy ha? 😅”


Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

Sa ipinakitang husay at galing ni Tali ay marami namang netizen ang namangha at hindi napigilan ang pagkatuwa sa kanilang naging komento sa video ni Tali.

“So adorable Tali! ❤️”

“Tali your so adorable 😍😍😍”




Credit: @pauleenlunasotto on Instagram

“😍😍😍galing talaga c Tali….Happy Easter 🐣 galing kumanta”

“so cute and talented baby Tali👏❤️”