Michelle Madrigal, masayang binalikan ang mga karanasan at ibinahagi ang lugar kung saan sya unang nagtrabaho sa Amerika

Ang dating aktres na si Michelle Madrigal na ngayon ay isa ng online fitness coach, entrepreneur at Mommy sa kaniyang anak na si Anika, ay masayang binalikan ang lugar kung saan sya unang nagtrabaho simula ng lumipad patungong US noong taong 2016.



“Today, I’ll take you with me to my very first job in the US. I graduated from culinary school in 2015 and moved to Texas in 2016 to work in the kitchen industry.”

Matapos lumipad si Michelle patungong Austin, Texas noon ay kaniyang ipinakita sa publiko ang JW Marriot at matatagpuan dito ang Corner restaurant kung saan sya nag-internship ng isang taon.

Sunod naman niyang ipinakita ang magandang view ng Lady bird lake na siyang favorite spot umano ni Michelle.

Ayon kay Michelle ay hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan noon ng siya ay lumipad patungong US, at naging malaking pagsubok para sa kaniya ang mawalay sa kaniyang pamilya at maranasan ang pamumuhay na kaiba sa buhay na kaniyang kinagisnan sa Pilipinas.

“I actually suffered from PPD – Postpartum Depr3ssion, kasi you know my mom wasn’t here, my sister wasn’t here, so feeling ko talaga alam mo yun, kulang ako ng human interaction because it was just me and Anika since Troy had to go to work.”

Ngunit tila`y ang pagdating ng kaniyang anak na si Anika ang siyang nagbigay sa kaniya ng pag-asa, na naging daan para sa kaniya upang manirahan na sa US kasama ang kaniyang asawa na si Troy Woolfolk.

“Siguro yung baby ko talaga. At first ang plano ko lang naman talaga was 1 year when I did my internship. Tapos nung nalaman ko na magiging mommy na ‘ko, I need to make a decision na either family or career, and of course sinacrifice ko ang career ko, so I could have my own family.”



Naranasan man ni Michelle kung paano mamuhay noon na malayo sa kaniyang pamilya, ay hindi naman ito naging hadlang para sa kaniya upang mas maging matapang na harapin ang bawat magiging pagsubok na kaniyang kakaharapin.

“I really struggled during my first few years in the US but all those challenges made me stronger and wiser.”

Ikinasal si Michelle at Troy sa isang outdoor wedding noong April 13 taong 2019.