Maja Salvador, sinubukang utangan ang ilan sa kanyang mga kaibigan at paniwalain naman ang iba na sya ay ikakasal na

Muli na namang pinatawa ng aktres at Queen of the Dance Floor na si Maja Salvador ang publiko, mula sa kaniyang nakakatawang content na ginawa sa kaniyang YouTube channel.

Isang prank call ang kaniyang ginawa na kung saan ay ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz ang kaniyang tinawagan, upang sabihin sa kanila na kunwari ay ikakasal na siya sa kaniyang kasintahan na si Rambo Nuñez.

At ang iba naman ay kaniyang tinawagan upang siya ay mangutang ng pera at ang ilan ay sabihing sila ay nagkakalabuan na ni Rambo.

Unang tinawagan ni Maja ang aktor na si Jake Ejercito at kaniyang sinabi na siya ay kunyaring may pinagdadaanan, kaya hindi nakarating sa kanilang get together dahil sa kunwaring muntikan na silang maghiwalay ni Rambo.



At ng sabihin ni Maja na kung siya ay maaaring pautangin ni Jake ng 100,000 na kaniyang kunwaring inutang sa kasintahan, ay hindi naman ito nagdalawang-isip na tulungan ang aktres.

Sunod naman niyang tinawagan ang kaniyang matalik na kaibigan na si Kakai Bautista, at kaniyang sinabi rito na siya ay ikakasal na kay Rambo at invited ito sa kanilang kunwaring civil wedding sa March 28.

Katulad ni Kakai ay marami pang nasampolan si Maja sa prank niyang kasal na ito, tulad na lamang ng aktor na si Rayver Cruz, Alex Gonzaga, Enchong Dee, Joshua Garcia, John Lloyd Cruz at kaniyang make-up artist na si Denise Ochoa na talaga namang makikita ang kanilang pagmamahal at effort na maging libre sa kunwaring araw ng civil wedding ni Maja.

At kung marami naman ang kaniyang napaniwala, tila`y hindi naman umubra ang ginawa niyang prank sa mahusay na aktres na si Aiko Melendez, ng kaniyang sabihin dito na siya ay may problema at nagbakasakaling pautangin siya ni Aiko.

Dahil malakas ang kutob ni Aiko ay agad niyang nahulaan na siya ay pina-prank lamang ni Maja.

Sa isang banda ay hindi naman napigilan ng kapatid ni Maja ang maging emosyonal nang sabihin ng aktres na siya ay ikakasal na kay Rambo.

Ngunit dahil ito ay prank lamang, napaniwala niya din ang kapatid sa kaniyang ginawa.

Pagdating naman sa kaniyang kaibigan na si Thou Reyes, ay makikita ang pagmamahal at suporta nito para sa aktres na handa siyang pautangin ng 2 milyong halaga para mabayaran ang kunwaring utang kay Rambo.



At ang huli na kaniyang tinawagan ay si Alex Gonzaga na kaniyang napaniwala din na siya ay ikakasal na at invited rin ito sa kanilang civil wedding.

Tila`y isang successful prank na naman ang nagawa ni Maja sa kaniyang mga matalik na kaibigan sa showbiz.