Awra Briguela, agaw pansin sa kanyang ginawang pictorial para sa kanyang katatapos lang na kaarawan

Kung sa pagiging komedyante at pagpapasaya ng tao, nangunguna na riyan ang childstar na si McNeal “Awra” Briguela.

Si Awra ay talaga namang hinahangaan at isa sa mga batang nagpursigi para makamit ang kanyang pangarap sa buhay. Anoman ang kaniyang mga napagdaanan sa buhay, hindi siya nagpatinag. Kundi, ito pa ang naging inspirasyon niya para umangat sa buhay.


Credit: @awrabriguela on Instagram

Noong March 26, ay nagdiwang si Awra ng kanyang 17th birthday. Masayang naipagdiwang ni Awra ang kanyang espesyal na araw. At idinaan ni Awra ang kanyang birthday sa pangmalakasang photo shoot.

Makikita nga naman sa mga larawan ni Awra na talagang palaban at napakagaling niya sa pagharap sa camera. Bagay na bagay nga naman sa kanya ang kanyang pangalan na Awra.


Fi3rce talaga ang nangingibabaw sa kanyang mga pictures. Lalo na at complete package ito mula sa suot at ganda ng mga anggulo.

Kuha ang mga larawan ni Awra ng photographer na si Stephen Capuchino. Pagdating naman sa mga magagarang suot niya ay dinisenyo ni Park Newman at Emanuel Rinoza.


Hindi naman naging posible ang lahat ng ito kung hindi sa direksyon ni Jobo Antonio Nacpil, at sa styling ni Ryuji Shiomitsu, Paul Sese at Bryan Laroza.

Ang hairstylist na si Mycke Arcano at make-up artist na si Janell Capuchino naman ang lalong mas nagpaganda at nag-ayos sa napakapowerful look ni Awra.


Kaya naman, todo ang appreciation at pasasalamat ni Awra sa lahat ng mga taong nasa likod ng napakagandang larawan na ito ni Awra. Deserve na deserve nga naman ni Awra ang lahat ng ito dahil na rin sa lahat ng kanyang pagpupursigi at ginagawa para sa pamilya.

Naging daan kay Awra ang kanyang viral video at signature “awra” pose, ngayon napakarami na niyang mga teleserye, pelikula at maging mga awards gaya ng Best Child Performer sa 30th PMPC Star Awards for Television at 3rd Aral-Parangal Awards.