Coleen Garcia, masayang nakipaglaro sa kanyang anak na si Amari kasabay ng kanyang unang pagkakataon na makapag swimming

Muli na namang pinangiti ng napaka-cute na si Amari ang netizen mula sa kaniyang naging reaksyon sa unang beses na paglangoy nito sa kanilang inflatable pool.


Credit: @coleen on Instagram

Matatandaang noong nagbakasyon sina Coleen Garcia at Billy Crawford kasama ang kanilang anak na si Amari sa El Nido, Palawan kamakailan ay hindi pa maaaring makalangoy si Amari.

At ng dumating naman ang panahon na pinayagan ng makalangoy si Amari ay doon naman mas lumaganap ang pagkalat ng c0vid.




Credit: @coleen on Instagram

Kaya naman sa kabila ng excitement ni Coleen na balikan ang kanilang beach vacation, ay mas minabuti pa din niya ang magiging kaligtasan ng kanilang pamilya at lalong-lalo na ni Amari.

“He’s allowed to swim naaaa and I’ve been so excited to take him back to the beach, but hanggang throwback lang muna cause it’s still too [email protected] to go out with him 😢 or to go out at all.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Ngunit hindi man nakabalik pansamantala sa beach, ay hindi naman ito naging hadlang para kina Coleen at Billy na maranasang ma-enjoy ng kanilang anak ang paglangoy sa tubig kahit na sa loob lamang ng kanilang bahay.

Makikita sa Instagram post ni Coleen ang cute pictures at video ni Amari, habang suot ang swimsuit nito na binagayan pa ng itim na shades na tila`y ito ay nasa beach.

“Amari’s first time to swimmmm 💙”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Sa video ni Amari ay makikita ang pag-alalay ng kaniyang Mommy Coleen at Daddy Billy, habang siya ay nasa kanilang inflatable pool na may suot na salbabida sa kaniyang katawan.

Marahil ito nga ang kauna-unahang mae-experience ni Amari ang paglangoy at tila`y makikita naman ang kaniyang page-enjoy sa tubig.

Hindi naman napigilan ni Billy na ipakita ang kaniyang pagiging proud kay Amari, na siyang makikita sa naging komento nito sa post ni Coleen.


Credit: @coleen on Instagram

“This boy is the best! Who’s kid is this oh ours 😮😂😍”

Hindi naman din nagpahuli ang kanilang mga supporters at tagahanga ni Amari, at nagbigay din ng kanilang komento at muling pinanggigilan ang napaka-cute na si Amari.

“So cuteee amari 😍”




Credit: @coleen on Instagram

“Wowww👏😍cute2x baby amari❤🙏☝”

“Cute cute sarap pisilin hehehehehe ❤️❤️❤️”