Sample King Jhong Hilario, ibinahagi ang nakakatuwang reaksiyon ng kanyang anak na si Sarina Oceania

Siya ay kinilala ng publiko bilang si ‘Sample King’ dahil sa kaniyang husay at galing pagdating sa sayawan, at kinilala rin bilang si ‘Alakdan’ ng teleseryeng Ang Probinsyano, sa kaniyang ipinamalas na husay pagdating naman sa kaniyang pag-arte.




Credit: @jhonghilario on Instagram

Ang Showtime host at aktor na si Jhong Hilario ay patuloy na hinangaan ng publiko hindi lamang sa telebisyon, kundi pati na rin sa kaniyang nakakatawang personality na nagbigay kasiyahan sa madlang people.

At sa kabila ng kasiyahan na kaniyang inihahatid sa madla, ay siya naman ang nakitaan ng labis na kasiyahan sa pagdating ng kanilang panganay na anak sa kaniyang kasintahan na si Maia Azores.


Sa loob ng siyam na taon nilang pagmamahalang dalawa ay masayang inanunsyo ni Jhong, ang pagdating ng kanilang panganay na anak na si Sarina Oceania noong March 27.

November pa lamang ng nakaraang taon ng ibalita ng aktor ang pagbubuntis ni Maia, at makalipas nga ng ilang buwan ay iba naman ang sayang kaniyang naramdaman sa pagdating ng kanilang munting anghel.


Sa video na ibinahagi ni Jhong sa kaniyang Instagram ay makikita ang napaka-cute na si Sarina at ang munting ngiti nito na siyang nagpangiti naman sa aktor.


“A smile of hope… ❤😍 #bestoneweekever #sarinaoceania”

Sa isang banda ay makikita naman ang pagseselos ng kaniyang Mommy Maia, at tila`y gusto din nito na masilayan ang pag ngiti ng kaniyang anak sa kanya.

“Sana all! Smile for Mommy rin @sarinahilario, Daddy lang malakas grabe!! Tandaan mo sakin mo nakuha yang smile na yan dimple ko yan!”




Credit: @maialevisteazores on Instagram

Dahil sa pag ngiti ng Sample Princess na si Sarina, ay marami naman ang nagbigay ng kanilang komento at pagkatuwa sa kaniya, at ang ilan pa sa mga ito ay kasamahan ni Jhong sa “It’s Showtime”.

“Nanggigigil ako!!!!!”

“Bgirl 💃🏻”


Credit: @jhonghilario on Instagram

“So cute😍😍”

“Nku mana sa daddy ang cute❤️❤️❤️❤️❤️”

“Cuteee baby sarii!! 😍❤️”