Ryza Cenon, masaya para sa kanyang napakacute na anak na si baby Night na ngayon ay 5 buwang gulang na

Napakabilis nga naman ng panahon. Kailan lang noong masayang inanunsyo sa atin ng mag partner na si Ryza Cenon at Miguel Antonio Cruz na mayroon silang inaasahang blessing.

Isang blessing mula sa Panginoon ang kanilang ipinagpapasalamat dahil dumating sa kanilang buhay ang kanilang baby. Pregnant noon si Ryza hanggang sa naisilang ang kanilang baby.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Ngayon, ay napakabilis ng panahon dahil 5 months na ang kanilang baby na si Baby Night. Masayang ibinahagi ni Ryza ang mga larawan ni Baby Night sa IG sa kaniyang 5th month celebration.

Makikita dito si Baby Night na napakabibo at napakacute talaga. Naguumapaw talaga siya sa cuteness lalo na sa kanyang adorable at bubbly face.

“Naks! Gwapo ah! Summer na summer! Ang hot! 😂 happy 5 months anak! Bilis!! I love you!!😘 @iamnightcruz,” pagbati ni Ryza sa kanyang IG.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Sa mga IG posts ni Ryza ay makikita ang mga iba’t ibang mga larawan ni Baby Night mula nang siya ay naisilang. At hanggang ngayon, ay talaga namang napakacute ni baby.

Mapapansin din sa mga larawan ni Baby Night na talagang napakamasayahin ni Baby. Lagi kasi siyang nakasmile at talagang marunong mag pose sa camera. Mukhang manang mana din naman siya sa kanyang mga magulang.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Enero naman nang mabinyagan si Baby Night. Dito ay dumalo ang ilan sa kanilang mga kaanak, kaibigan at mga ninong at ninang na nagmamahal kay Baby Night.

Napakablessed nga naman ni Baby Night kina Miguel at Ryza. Siguradong sila ay responsable, mapagmahal at maalagang mga magulang.


Credit: @iamryzacenon on Instagram

Kung sa teleseryeng “Ika-anim na utos” ay makikitang iba ang ugali ng role ni Ryza, kabakiktaran sigurado ito kung paano siya sa totong buhay.

Siguradong ibubuhos ni Ryza ang kanyang pagmamahal, alaga, at pagaasikaso kay baby Night na talaga namang naguumapaw kay baby.





Credit: @iamryzacenon on Instagram

Bumuhos naman ang mga komento at pagbati ng mga netizens na pinupuri ang kanyang cuteness at good vibes.