Alice Dixson, ginulat ang mga netizens sa masayang balita na magkakaroon na sila ng bagong miyembro sa pamilya

Isang magandang balita ang gumulat sa karamihan matapos i-anunsyo ng aktres na si Alice Dixson ang pagdating ng kanilang “Miracle Baby” kanina, April 2.


Credit: @alicedixson on Instagram

Makikita sa kaniyang Instagram ang larawan ni Alice na may hawak na isang larawan na kung saan ay makikita ang isang footprint ng isang bata.

Sa caption ng aktres sa naturang post ay masayang ibinalita nito na sa kabila ng mga pinagdadaanang pagsub0k ngayon, ay may isang milagro at biyaya ang dumating sa kaniyang buhay ngayon.




Credit: @alicedixson on Instagram

“Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle…”

Matatandaan na noong taong 2019 ng ibahagi ni Alice sa isa sa kaniyang panayam ang kagustuhan nitong magka-baby at kaniyang ibinahagi ang plano nila ng kaniyang non-showbiz partner na mag-undergo ng surrogacy.

“Sa akin it was never about the way that I would look after. It was about my age and my concern about the safety of the child, the wellness of the pregnancy. I had tried previously, it didn’t work out, so my partner and I decided, okay, let’s try surrogacy.”

At makalipas ng halos 10 taon na kaniyang pagdarasal at pagwi-wish sa kaniyang birthday na dumating ang munting biyayang ito, ay tinupad ng Panginoon ang kaniyang matagal ng gusto.

“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles 🎂”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)


Kaya naman hindi maipaliwanag ni Alice ang sayang naramdaman na sa wakas ay dumating na ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya ngayon.

“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true our newest little family member has arrived ❤️”


Credit: @alicedixson on Instagram

Sa magandang balita ito ng aktres ay marami naman ang nagbigay sa kaniya ng pagbati at karamihan sa mga ito ay kaniyang mga nakatrabaho sa showbiz.

“Congratulations 😍😍😍😍😍😍😍😍😍❤️❤️❤️”




Credit: @alicedixson on Instagram

“OMG congratulations!😍😘”

“Truly happy for you Alice. I know this silent prayer in your heart. We rejoice with you ❤️🙏🏻”