Billy Crawford, ibinahagi ang nakakatuwang reaksyon ni baby Amari habang sinusubukan syang pakainin ng pakwan

Muli na namang pinatawa at pinasaya ng napak-cute na si Amari ang publiko sa kaniyang nakakatuwang reaksyon sa video na ibinahagi ng kaniyang Daddy Billy Crawford.


Credit: @billycrawford on Instagram

Sa video niyang ito ay makikitang habang kumakain si Amari ay tila`y hindi naman nito nagugustuhan ang pagkaing binibigay sa kaniya ng kaniyang Mommy Coleen na watermelon.

Makikitang sa tuwing hinahawakan ni Amari ang binibigay ni Coleen na pakwan sa kaniya, ay mapapansin ang napaka-cute na reaksyon nito na tila`y nandidiri sa paghawak ng pakwan.




Credit: @billycrawford on Instagram

Bukod pa diyan ay makikita din na sa bawat paghawak sa pakwan, ay kaniyang pinipisil ito at tinatapon dahil mukhang hindi niya talaga gusto ang prutas na ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


Dahil sa napaka-cute na reaksyon ni Amari ay marami namang netizen ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento patungkol kay Amari.

โ€œAhahaha,ayaw nya talaga๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜โ€

โ€œSooo cute. At an early age may particular na siya ng ayaw nya with matching ngiwi pa, na lalong nagpa cute sa kanya.โ€


Credit: @billycrawford on Instagram

โ€œ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ if he could speak, he would say can I have some broccoli please.โ€

โ€œNo! No! Watermelon mommy ๐Ÿ˜– yung face ni amari ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚โ€

โ€œSuch a cutieeee. Hahaha you don’t like watermelon baby? ๐Ÿ˜‚โ€


Credit: @billycrawford on Instagram

โ€œAwww….but watermelon is so good! Why baby why???!!!๐Ÿ˜‚โ€

โ€œThe cutest๐Ÿ˜ baka sa texture ng watermelon ayaw talaga ng mga bata๐Ÿ˜‚โ€

At kung ang prutas na watermelon ay hindi gusto ni Amari, tila`y ang pagkain naman ng broccoli ang siyang kaniyang nagustuhan.


Credit: @billycrawford on Instagram

Makikita din ang kaniyang naging video na kung saan ay makikitang hawak-hawak din nito ang broccoli na kaniyang kinakain.


Mapapansin din na hindi pa man ubos ang broccoli sa kaniyang bibig, ay kumain ulit siya at tila`y gustong-gusto ang pagkain nito.

Si Amari ay isinilang ni Coleen noong September 10, ng nakaraang taon sa pamamagitan ng water birth.




Credit: @billycrawford on Instagram

Ginanap ang beach wedding nina Coleen at Billy sa Balesin Island noong April 20, taong 2018.