Anne Curtis, inumpisahan ng turuan ng mga tagalog na mga salita ang anak na si Dahlia Amelie

Nakaugalian na ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff ang pagbahagi sa publiko ng ilan sa mga kaganapan ng kanilang buhay, kasama na dito ang mga larawan at cute videos ng kanilang unica hija na si Dahlia Amelie.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Marso 2 ng nakaraang taon ng isilang ni Anne ang napaka-cute na si Dahlia sa Melbourne, Australia, at makalipas nga ng isang taon ay nasaksihan ng publiko ang paglaki nito pati na rin ang ilan sa mga masayang kaganapan habang kasama ang kaniyang mommy at daddy.

Sa murang edad pa lamang ni Dahlia ay mas lalong lumalabas ang kaniyang pagka-curious sa maraming bagay, lalo na pagdating sa mga bagay na kaniyang nahahawakan.




Ngunit sa kabila ng pagka-curious ni Dahlia sa maraming bagay, hindi rin naman maikakaila na tila`y isang little bookworm rin ito at nahilig sa pagbabasa ng kaniyang mga libro.

Dahil na rin sa magaling niyang mga teachers na sina Anne at Erwan na laging nakatutok sa kaniya, at nagsilbing kaniyang mga study buddies sa tuwing siya ay nagbabasa ng kaniyang mga libro.


Maliban sa pagkahilig ni Dahlia sa mga animal books, tila`y nakahiligan na din niya ang pagbabasa ng mga libro na may translation na tagalog.

Sa tulong ng kaniyang Mommy Anne, ay makikitang kahit maliit pa lamang ay tinuturuan na rin siyang magbasa at makaintindi ng mga tagalog words.

Makikita sa kanilang video ang libro ni Dahlia na may pamagat na β€œThe World Around Me : Ang aking paligid”, na siyang mapapansin na habang hawak pa lamang ni Anne ang kaniyang libro ay kaniya na itong kinuha sa kaniyang Mommy upang tignan.


Ayon kay Anne, ay habang bata pa lamang si Dahlia ay sinasanay na niya umanong magbasa at makaintindi ng mga tagalog words ang kaniyang anak.

Biro pa ng aktres ay dapat rin daw ay matutunan rin ito ng kaniyang asawa na si Erwan, na nahihirapan rin sa pagsasalita ng tagalog.


Credit: @dahliaamelieee on Instagram

Sa eksenang ito ni Dahlia at ni Anne, ay may mga netizen naman ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento patungkol sa pagiging bookworm ni Dahlia.

β€œI already know that momma ! Says Dahlia πŸ˜πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚β€




Credit: @dahliaamelieee on Instagram

β€œvery good Dahlia πŸŒΊβ€οΈπŸ€—β€

β€œHer little gasp πŸ˜†πŸ’•β€