Rachelle Ann Go, ipinakilala na ang kanyang cute na cute na baby na si Lukas Judah at ipinaliwanag ang ibig sabihin ng pangalan nito

Ang Theater actress at singer na si Rachelle Ann Go ay masayang ipinakilala sa publiko ang kanilang panganay na anak ng kaniyang asawa na si Martin Spies noong Martes, March 30.

Matatandaang November 20 ng nakaraang taon nang i-anunsyo nilang dalawa ni Martin ang kaniyang pagbubuntis, at makalipas ng ilang buwan ay dumating na nga ang kanilang munting anghel.




Credit: @gorachelleann on Instagram

Sa Instagram post ni Rachelle ay makikita ang kanilang larawan ng kaniyang asawa, kasama ang kanilang anak habang nakahiga ito sa kaniyang dibd!b.

At makikita sa caption ng aktres ang pangalan ng kanilang 1st baby boy na si Lukas Judah Spies at ang kahulugan ng mismong pangalan nito.

“Lukas Judah Spies has arrived! Born on March 26, 2021 🙂 Lukas – bringer of light ✨ Judah – praised, let Him be praised 🙏🏽 #BabySpies2021.”


Ang munting pagdating ni Baby Lukas kina Rachelle at Martin ay nagbigay ng kakaibang kasiyahan, lalo na sa kanilang mga kaibigan at ka-trabaho na nagbigay ng pagbati sa pagdating ng kanilang anak.

“Absolutely beautiful!!! Congrats family. Welcome Lukas!”

“Congratulations sis!!!! Love you so much! ❤️❤️❤️❤️❤️”


Credit: @gorachelleann on Instagram

“😍😍❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️ congrats you beautiful humans”

“Congratulations to you & the family, sis!! Praise God!!”

Tila`y naging madali lamang para kay Rachelle ang kaniyang naging pagbubuntis, dahil ayon umano sa kaniya ay hindi siya nakaramdam ng kahit na anong paglilihi.

“Well I feel good, the pregnancy has been pretty easy– straightforward. I’m very grateful dahil yun nga during my first trimester, wala akong paglilihi or symptoms.”


Credit: @gorachelleann on Instagram

Dagdag pa niya ay hindi rin daw siya nakaramdam ng kahit na anong hilo at pagkasensitibo sa kaniyang pang-amoy, dahil pagdating sa mga pagkain ay hindi naman siya nagiging mapili.

“There’s no symptoms, hindi ako nahihilo, hindi rin naman ako masyado sensitive when it comes to yung sense of smell. Diba yung iba maraming sensitive, but ako normal lang talaga, parang I ate everything ‘di ako masyado mapili.”




Credit: @gorachelleann on Instagram

Kinasal sina Rachelle at Martin noong taong 2018 sa pamamagitan ng isang beach wedding na ginanap sa Shangri-La’s Boracay Resort & Spa.