Pokwang, sinulit ang pagkakataong magkasama sila sa bahay ng kanyang napakacute na anak na si Malia upang turuan itong magluto

Matapos manumbalik ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila, ang karamihan ay labis na naging abala at nagmadali sa pagpunta sa mga palengke at supermarket, samantalang ang iba naman ay hindi maiwasan ang labis na pag-aalala sa kal!gtasan ng kanilang pamilya.

Ganunpaman, ay hindi naman ito naging hadlang para sa iba upang ipagpatuloy pa rin ang takbo ng buhay at umisip ng mga paraan upang ang bawat oras ay maging kapaki-pakinabang.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang aktres at TV host na si Pokwang, na sa kabila ng pandemyang nararanasan sa bansa ay patuloy pa rin siyang nagiging positibo at inilalaan ang kaniyang mga oras upang maturuan at mabigyan ng sapat na kaalaman ang kaniyang bunsong anak na si Malia O’Brian.

“Bilang isang ina masak!t sakin nakikita na lumiit ang kanilang mundo. pero hindi ako susuk0 para hindi nya maramdaman na nalimitahan ang kanyang mundo,”


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Bahagi ng kaniyang ginawang paghahanda ay tinuruan niya sa Malia kung paano ang magluto sa tul0ng ng kaniyang gabay habang nasa likod ng kaniyang anak at naka-alalay.

“Kailangan nila tayo ngayon, hindi dapat maging hadlang ang pandemia na ito para mailayo sila sa edukasyon o ang may matutunan sila para mahubog ang kanilang isipan kahit nasa bahay lamang.”

Makikitang nagluto si Pokwang ng isang pancake at tinuruan si Malia kung paano ang tamang pag-flip ng pancake sa pan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


Bahagi man ng kanilang bonding moment mag ina ang mga gawaing tulad nito, ay makikita pa din ang gabay at pag-alalay ni Pokwang sa kaniyang anak.

“Kahit sa loob man lang ng tahanan iparamdam natin na marami silang dapat pang ma explore at matutunan sa pamamagitan ng ating gabay.”

Sa video nila ni Malia ay makikita ang labis na pag-eenjoy nito, na tila`y namana sa kaniyang ina ang pagkahilig nito sa pagluluto.


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Kaya naman sa naging caption ni Pokwang ay nagawa pa nitong magbiro at marami pa daw kailangan tapusin na gawaing bahay si Malia.

“Kaya naman @malia_obrian mamaya tapos mo mag luto mag laba kana at habang nag papahinga ka mamalantsa kana hahahahahhahaa”


Credit: @itspokwang27 on Instagram

Limitado man ang bawat kilos at kakambal man ang pag-aalala sa kal!gtasan ng pamilya, bilang isang magulang tulad ni Pokwang ay siyang dapat iparamdam ang tamang pag gabay sa bawat sitwasyon nangyayari sa ating kapaligiran.

“Gawin natin ang lahat bilang magulang ang libangin sila lalo na sa nangyayari ngayon sakanilang paligid na hindi pa nila lubos na nauunawaan,”