Andi Eigenmann, ipinasilip ang magagandang pagbabago sa kanilang pinapagawang bahay sa Siargao

Ilang araw na ang nakalilipas ng ating masubaybayan ang masayang pamumuhay ng pamilyang Islanders sa Isla ng Siargao, at ating nasilayan ang kanilang naging bonding moments sa dagat kasama ang kanilang mga kaibigan at kapamilya.


Credit: Happy Islanders Youtube

At sa pagkakataong ito ay dumako naman tayo sa naging pamumuhay ng Islanders habang sila ay wala sa dagat.

Isang house update ang ginawa ng aktres na si Andi Eigenmann habang sila ay kasalukuyang nasa kanilang bahay at kaniyang ipinakita ang ilan sa mga bagong kaganapan at ginawang pag-aayos sa kanilang tahanan ngayon.




Credit: Happy Islanders Youtube

Pagdating sa kanilang front yard ay hindi na kailangan nila Andi kumuha pa ng landscaper, dahil maliban sa pagiging isa sa mga best surfer ng bansa na si Philmar Alipayo, siya din naman ay certified Plantito at kaniyang pinapaganda ang paligid ng kanilang tahanan.

Ipinakita din ni Andi ang kasalukuyang play room/study room nina Lilo at Ellie, at makikitang hindi pa tapos ang kanilang pag-aayos dito.


Credit: Happy Islanders Youtube

Habang ipinapakita ng aktres ang mga laruan ni Lilo at mga gamit ni Ellie sa school ay makikita naman ang cute na reaksyon ni Lilo, ng makita niya ang kinakain ng kaniyang Ate Ellie na isang chocolate cake.

Kung si Baby Koa ang siyang bunsong anak nina Andi at Philmar, ay tila`y may pumalit na sa pagiging bunso nito at napalitan na ni Granola na kanilang alagang aso ngayon.


Credit: Happy Islanders Youtube

Ayon kay Andi ay bahagi ng kanilang summer activities ang pag-aayos sa kanilang munting tahanan at ang pagpapaganda ng kanilang backyard.

Matapos ang naging house update ng aktres ay hindi naman maaaring mawala ang sister bonding nina Ellie at Lilo, habang masayang naglalaro at nagtatago sa likod ng kanilang kurtina.




Credit: Happy Islanders Youtube

At pagdating ng kinagabihan ay isang masarap na dinner ang kanilang pinagsaluhan, at ang mga pagkain na nakahanda sa kanilang harapan ay kanilang mga paboritong pagkain tulad na lamang ng inihaw na pamintuha (mantis shrimp), kinilaw at pritong isda.

Kasalukuyan mang tinatapos ang paggawa sa kanilang bahay, ay sinigurado naman ni Andi na kaniyang ipapasilip sa publiko ang magiging itsura ng kanilang tahanan pagkatapos.