Super Tekla, nasulit ang bakasyon sa beach kasama ang kanyang anak na si Aira

Kaliwa’t kanan man ang dami ng trabaho at samu’t saring isipin ang kailangan gawin, ay deserve pa din naman ng bawat isa ang magkaroon ng oras at panahon upang makapagpahinga at makapag-relax panandalian.


Credit: Super Tekla Official Youtube

Kaya naman sa kabila ng busy schedule ng TV host at komedyanteng si Tekla, ay mayroon din siyang panahon upang makapag-relax kasama ang kaniyang unica hija na si Aira.

“Importante po mga ka-Talsik na minsan, hindi naman natin kailangan gumastos ng bongga para mag-enjoy, mag-relax at umiwas sa str3ss. So this is the perfect getaway, it’s a perfect summer with Aira.”




Credit: Super Tekla Official Youtube

Sa kanilang masayang bakasyon sa Searenity Suites sa San Isidro, Cabangan sa Zambales, ay makikitang labis na nag-enjoy ang mag-ama sa kanilang naging bonding time.

Sa ikalawang araw ng kanilang naging bakasyon ay isinama ni Tekla ang kaniyang mga ka-Talsik at ipinakita ang lugar na kanilang tinuluyan at ang magandang view na makikita sa kanilang pinuntahan.

Paglabas sa kanilang room ay makikita ang isang infinity pool at mga cottages na nasa paligid nito.


Credit: Super Tekla Official Youtube

Ngunit hindi lamang ang ganda ng infinity pool ang iyong maaaring masilayan, dahil tanaw din mula dito ang magandang view na nagmumula sa ganda at lawak ng dagat at ang mga pinong buhangin na nakapaligid mula dito.

Bukod pa diyan ay ipinakita din niya ang kanilang dining area, na katabi nito ang billiards na pwede rin ma-enjoy ng inyong pamilya.


Credit: Super Tekla Official Youtube

Ang naging bakasyon na ito ni Tekla at Aira ay mas lalo pang naging espesyal dahil nakasama din nila ang ka-tandem ni Tekla na si Donita Nose, at ang kanilang kaibigan na si Tart Carlos na isang mahusay na aktres.

Pagdating naman ng kinagabihan ay ipinasilip din ni Tekla ang kanilang masayang bonding moment ni Aira habang sila ay nasa infinity pool.



Sa kanilang panandaliang bakasyon ay hindi naman matatawaran ang sayang kanilang pinagsamahan upang makapag-relax at makapag-bonding sa panahon ngayon.