Angeline Quinto, masayang idinatalye ang bawat bahagi ng kanyang napakagandang dream house

Siya ay kinilala bilang isa sa mga kilalang biritera ng Pilipinas at tinaguriang Birit Queen dahil sa kaniyang husay at galing na ipinamalas pagdating sa kantahan.

Sa kabila ng pagsusumikap at kasipagan ng singer na si Angeline Quinto sa kaniyang trabaho, ang pangarap nila noon ng kaniyang Mama Bob na magkaroon ng sariling dream house ay kanilang natupad.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Hindi man makasama ni Angeline ang kaniyang Mama Bob sa ngayon, ay malugod naman niyang inimbitahan ang publiko sa kanilang dream house.

Bago pumasok sa kanilang tahanan ay bubungad sayo ang kanilang pintuan na may naka-ukit na bituin, na sumisimbulo sa naging tagumpay ni Angeline.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube

At pagpasok sa kanilang tahanan ay makikita ang kanilang living room, na siyang isa sa mga favorite spot ni Mama Bob ang pag-upo sa kanilang malaking sofa tuwing umaga.

Makikita rin mula dito ang isang piano na regalo mismo kay Angeline.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Kalapit ng kanilang living room ay dadalhin ka naman sa kanilang dining room, na siyang makikita ang dining table na regalo mismo ni Vice Ganda para sa kaniya.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba ang pagiging deboto ni Angeline, kaya hindi maaaring mawala sa kanilang tahanan ang Imahe ng Poong Nazareno.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Magmula sa kanilang dining, ay katabi nito ang ipinagawang kitchen ni Dra. Vicki Belo para kay Angeline, na kaniyang regalo para sa singer dahil sa pagkahilig nito sa pagluluto.

Pagdating naman sa dekorasyon sa kanilang tahanan, ay pinakita rin ni Angeline ang isang painting na regalo naman Boy Abunda ng siya ay maimbitahan bilang guest sa The Buzz.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Hindi maaaring mawala sa kanilang tahanan ang kaniyang music room, na siyang makikita sa loob nito ang kaniyang mga platinum at gold record awards na natanggap sa mga music album na kaniyang ginawa.

Makikita rin ang isang Green gown na matatandaang sinuot niya noong grand finals ng Star Power, na ginanap noong February 20, 2011.

Huli naman niyang ipinakita ang naging kwarto ni Mama Bob at ang kanilang prayer room na kaniyang pinagawa para sa kaniyang ina.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube

Hindi man muling makasama ni Angeline si Mama Bob sa bawat tagumpay na kaniyang makakamit balang araw, ay hindi naman mawawala ang mga ala-alang kanilang pinagsamahan na habang buhay niyang babaunin hanggang sa pagtanda.