Tatay na tumulong kay Ivana Alawi nung nagpanggap syang pulubi, nakitang namimigay din ng tulong at ayuda sa mga kapitbahay

Naging usap-usapan kamakailan matapos mag-viral ang video ng aktres na si Ivana Alawi, nang siya ay magpanggap bilang isang pulubi na nanlilimos at ang perang kaniyang nakuha ay kaniyang ibinabalik din sa mas malaking halaga.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Ang pinaka nagpaantig sa puso ng aktres ay ang kutsinta vendor na si Tatay Joselito Martinez, na kung saan ay nakipagkwentuhan pa ito kay Ivana sa kabila ng kaniyang naging itsura.

At maliban sa iniabot nitong bente pesos ay inalok din siyang kumain ng paninda nitong kutsinta at nagsabing bibilhan pa siya ng softdrinks o tubig para siya ay may mainom.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Dahil sa ipinakitang kabaitan ni Tatay Joselito ay hindi na napigilan ni Ivana ang kaniyang pagiging emosyonal, at hiniling rin niya kung maaaring maging Tatay niya ito.

Matapos bigyan ni Ivana ng 20,000 pesos si Tatay Joselito, ay hindi pa rito natatapos ang kanilang huling naging pagsasama.


Credit: @ivanaacanada on Instagram

At ilang araw pa lang ng nakalilipas ng makipagkita si Ivana kay Tatay Joselito ay makikitang nag-viral din sa social media, ang kanilang larawan na magkasama sa isang mall habang bumibili ng appliances at mga ibang kagamitan para kay Tatay Joselito.


Credit: @ivanaacanada on Instagram

Sa kabutihang ipinakita ni Ivana kay Tatay Joselito ay tila`y hindi naman siya nagkamali sa taong kaniyang natulungan, dahil makikitang namahagi din ng bigas at pagkain si Tatay sa kaniyang mga kapitbahay.

Matatandaang nasabi ni Tatay Joselito noong nagpanggap si Ivana bilang pulubi, ay talagang tumutul0ng rin siya sa mga taong nangangailan ng tul0ng.

“Ganyan talaga ako Ma’am ‘pag may nanghihingi ng tul0ng sa akin. Binibigyan ko.”



Kaya naman ang tul0ng na kaniyang natanggap mula sa aktres ay kaniya ding ibinahagi sa ibang tao at tumul0ng din sa abot ng kaniyang makakaya.

Sa lahat ng tul0ng na ibinigay ni Ivana kay Tatay Joselito ay labis niyang ipinagpasalamat sa aktres.

“Ma`am Ivana dahil gusto kong pasalamat sa`yo, sana bigyan ka pa ng maraming subscriber na matutulungan dito sa mundo, dito sa ano natin, dito sa Pilipinas.”