Donnalyn Bartolome, nagbigay ng napakagandang surpresa sa kanyang tagahanga na kapapanganak lang sa ospital

Magmula sa kaniyang angking kagandahan at husay pagdating sa kantahan ay talaga namang isa sa mga dahilan kung bakit ang karamihan ay siya ang hinangaan.

Kaya naman ang kapatid ng aktres na si Ivana Alawi na si Hash, ay nahumaling din sa kagandahan ni Donnalyn Bartolome na isang singer at YouTube vlogger.


Credit: Donnalyn Youtube

Ngunit maliban sa kaniyang angking ganda ay marami din ang humanga sa kaniyang kabutihang puso, na handang tumulong sa mga nangangailangan.

At sa dami ng kaniyang natatanggap na pagmamahal at suporta sa mga netizen, ay isang sopresa ang kaniyang ginawa para sa isa sa mga solid fan na sumusuporta sa kaniya ngayon.




Credit: Donnalyn Youtube

Ang isa sa mga solid fan na ito ni Donnalyn ay si Dafhnie Monica Panganiban, na siyang nanalo sa February “Donnalyn Top Fan” jacket giveaways.

Makikita sa naging comment ni Dafhnie, ay kasalukuyang siyang nagle-labor ng magbigay siya ng komento kay Donna, at hilingin na sana siya ang makatanggap ng jacket.

“Hope ma-notice 😊 I’m on labor now.. Gift mo na sana ate Donna hihi 😍😍😍 loveyou po..”


Credit: Donnalyn Youtube

At ng mabasa ni Donnalyn ang komento ng kaniyang fan ay hindi siya nagdalawang isip na ito ang kaniyang piliin, at bukod pa diyan ay naisipan din niyang bisitahin ito sa ospital.

Bago bisitahin ni Donna si Dafhnie ay naisipan din niyang bilhan ng regalo ang anak nito, at paggawan din ng “Donnalyn Top Fan Baby” na damit.


Credit: Donnalyn Youtube

Sa pagpunta ni Donnalyn sa Pasig City General Hospital ay kaniyang na-meet si Dafhnie at ang bagong silang na baby nito na si Theo.

Tila`y mayroon na ding pinaka youngest top fan si Donnalyn at ito nga ay si Baby Theo.


Credit: Donnalyn Youtube

Sa kaniyang naging pagbisita, ay makikita ang tuwa sa kaniyang mga mata nang masilayan si Baby Theo, at dahil dito ay hindi lamang pagbisita ang kaniyang ginawa dahil naisipan din niyang palitan ito ng diaper.

Makikitang sa maikling panahon na pag-aalaga ni Donnalyn kay Baby Theo, ay nakita ng publiko kung paano maging isang ina si Donnalyn.

“OMG,ate Donna know how to handle a baby,so cute….what if ate Donna become a mother..I think she will become a good mother to her baby(‘s)”




Credit: Donnalyn Youtube

“The baby boy was so cute, and also Ate Donna the way she cared about the baby. D*mn so attractive ate Donna😍”

“Ang Expert ni Ate Donna magpalit ng Diaper at mag bihis 😍”