Rachelle Ann Go, matiyagang naghihintay kasabay ng pagpapasilip sa kanyang 41-week baby bump

Nakaka excite nga naman talagang magkaroon ng baby. Isa sa mga pinagpapray at talagang inaasam ng mag-asawa lalo na kapag ready na sila ay ang pagkakaroon ng supling. Sabi nga nila, regalo mula sa Panginoon ang pagkakaroon ng isang anak.

Kaya naman, masayang masaya ang couple na sina Rachelle Ann Go at Martin Spies nang ibalita nila sa atin ang good news noong November ng nakaraang taon na buntis si Rachelle.




Credit: @gorachelleann on Instagram

At ngayon, ay ini-expect na nila na anumang oras ay maisisilang na ni Rachelle si Baby Spies. Ayon kay Rachelle, 41 weeks na siya kaya naman excited na excited na talaga ang lahat na salubungin si baby. Pero, mukhang behind schedule na si Baby Spies.

Sa IG post ni Rachelle, makikita siya na nakahiga at makikita din ang kanyang 41-week baby bump.


“Patiently waiting. God’s timing is always perfect. #41weekspregnant #BabySpies2021 #firsttimemum,” saad ni Rachelle.

Hindi naman maikakaila sa larawan ni Rachelle ang labis labis na tuwa sa kanyang mukha. Masayang masaya si Rachelle na sa darating na mga araw ay maisisilang na ang kanilang baby.

Napakacute nga naman nila sa photo dahil makikita naman dito ang kanyang asawang si Martin Spies na nakatingin sa kanyang belly.


Credit: @gorachelleann on Instagram

Mula pa man noong nakaraang linggo, ay hinihintay na ang panganganak ni Rachelle kaya nakaabang talaga ang lahat at lalong na eexcite dito.

Mula pa man din noon, outspoken si Rachelle na excited na talaga siyang maging ina. At ngayon, araw na nga lang ang binibilang bago mafulfill ang pangarap na ito ni Rachelle.




Credit: @gorachelleann on Instagram

Matatandaang ikinasal si Rachelle at Martin noong 2018 at sa wakas ay dumating na rin ang kanilang pinakahihintay na baby na si Baby Spies. Sigurado nga namang magiging responsableng magulang si Rachelle at Martin. At napakaswerte din ni Baby Spies sa kanyang mapagmahal at maarugang magulang.

Kaya naman excited na rin ang lahat lalo na ang kanyang mga tagahanga sa kanyang pagsilang.