Coleen Garcia, ipinakita kung gaano kasaya ang anak na si Amari sa tuwing nakikita ang kanilang alagang aso na si Tamomo

Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang kinahihiligan at mga bagay na sa simpleng pamamaraan lang, ay nakapagbibigay na ng labis na kasiyahan sa bawat isa.

Materyal man o hindi materyal, ang bawat dahilan ng ating kasiyahan ay nagbibigay ng kakaibang sigla sa ating sistema.


Credit: @coleen on Instagram

Tila`y ganyan nga mailalarawan ang naging reaksyon ng napaka-cute na si Amari, matapos masilayan ang kaniyang fury bestfriend na si Tamomo na isang chihuahua.

Si Tamomo ay ang alagang aso nina Coleen Garcia at Billy Crawford, at simula ng kanilang alagaan ito ay naging bahagi na rin siya ng kanilang pamilya ngayon.




Credit: @coleen on Instagram

At dahil mag-isa pa lamang at wala pang kapatid si Amari, si Tamomo muna ang kaniyang itinuturing na kapatid at bestfriend.

Sa video na ibinahagi ni Coleen sa Instagram, ay makikita naman ang naging masayang reaksyon ni Amari nang makita si Tamomo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“Find someone who looks at you the way Amari looks at @ms.tamomo 😝 Seeing her makes him the happiest kid in the world, and she doesn’t even have to do anything!”

Kapansin-pansin na sa simpleng pagkikita lamang nilang dalawa ay nagbibigay na ng kakaibang kaligayahan ang mga ito para kay Amari.

Ang bawat pag-ngiti, at kaniyang mga cute na halakhak na sinamahan pa ng kakaibang pagtitig ni Amari, ang siyang ikinatuwa ng mga netizen at pinanggigilan pa ang kaniyang naging reaksyon.

“oh my gosh!!!! super adorable baby in the whole universe!”

“Parang mas mauuna nya pang sabihin yung tamomo kaysa mommy or daddy😂😂”


Credit: @coleen on Instagram

“Seriously the cutest 😍😍😍”

“Awww baby boy is in love with Ms Tamomo ang adorableeeeeee 😍😍😍”

“i watch this again and again and again i cant take my eyes to Amari supeeer cute😍”




Credit: @coleen on Instagram

Sa simpleng kaligayahan na ito ni Amari ay kaniyang pinatunayan na hindi lamang ang material na bagay ang nakapagbibigay ng kasiyahan sa bawat isa, kundi ang makasama ang mga itinuturing na pamilya at kaibigan ay sapat na upang maging masaya kasama sila.