Jaclyn Jose, ipinakita ang buong suporta at labis na paghanga sa kanyang anak na si Andi Eigenmann dahil sa kanyang maayos na pagpapalaki sa kanyang mga anak

Ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong halaga at material na bagay.

Lunes, March 24 ay ating nasilayan kung paano ipinakita ang pagmamahal ng isang ina na si Jaclyn Jose sa kaniyang anak na isa ring aktres tulad niya na si Andi Eigenmann.


CreditL @jaclynjose on Instagram

Sa larawan na kaniyang ibinahagi sa Instagram ay makikita ang kanilang lumang litrato, na kung saan ay makikitang karga-karga ni Jaclyn ang maliit pa na si Andi.

Mula sa kanilang larawang ito ay hindi naman maitatago ang mga ngiti sa kanilang mga mukha, at ang naging caption ni Jaclyn ang siyang nagpatunay ng kaniyang labis na pagmamahal sa kaniyang mga anak at is ana nga rito si Andi.

Hinangaan ng celebrity mom ang katapangan at ang magandang pagpapalaki ni Andi sa kaniyang mga anak ngayon na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.




CreditL @jaclynjose on Instagram

“Anak hinahangaan kita sa kung meron ka buhay ngayon..napaktapang mo sana ako din..ang ganda ng pag papalaki mo sa mga bata”

Humingi din ng patawad si Jaclyn sa kaniyang anak sa lahat ng naging pagkukulang nito sa kaniya.

“sorry sa lahat pag kukulang ko”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


Ang pagiging isang matapang at mabuting ina tulad ni Andi ay hindi rin mangyayari kung hindi rin sa tamang pagpapalaki ng kaniyang ina sa kaniya.

Ngayon na masayang naninirahan sina Andi sa Siargao kasama ang kaniyang pamilya ay hindi naman dito natatapos ang suportang binibigay ni Jaclyn sa kaniyang anak.

“Siyempre sa akin nagmana,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaclyn Jose (@jaclynjose)


“We have to be tough, lalo na sa panahong ito. I support her 100 percent. Bilib ako sa tapang n’ya on how to handle things, kung paano niya harapin at mahalin ang buhay ng masaya. [email protected] at [email protected] din siya pero very positive pa rin siya! Eto ang buhay niya – she’s very happy!”



Magkalayo man at may sarili na ding pamilya ang kaniyang anak ay hindi matatawaran ang pagmamahal na ipinakita ni Jaclyn para dito.

“Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi..”