Anak ni Sheena Halili na si baby Martina, agaw pansin sa kanyang mga napaka cute na larawan

Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ng isilang ng celebrity mom na si Sheena Halili ang kaniyang napaka-cute na anak na si Martina, at mula noon ay hindi na napigilan ng ilang netizen na mahumaling sa cuteness ng kaniyang anak.


Credit: @mysheenahalili on Instagram

Sa bawat larawan ni Baby Martina ay talaga namang hindi maikakaila na siya ang mini version ng kaniyang Daddy, na isang lawyer na si Jeron Manzanero.

Pati si Sheena ay sang-ayon din na mas nakuha ng kanilang anak ang itsura ng kaniyang asawa na si Jeron.




“Ako ang nag-lihi, nagka stretchmarks, nag-labor, nanganak, nag inj3ction every meal, napupuyat, nagpapa-ligo, nakikipag-laro, at nagpapa br3astfeed pero TATAY ANG KAMUKHA! 👏🏻 HUWAW! Diba! 🤣”

Ngunit ganunpaman, ay hindi naman napigilan ni Sheena ang kaniyang pagkagigil at labis na pagmamahal sa kaniyang anak, kaya naman makikita na halos lahat ng mga post nito sa kaniyang Instagram ay mga larawan mismo ni Baby Martina.


“Meron ka naman sariling IG anak @martinahalilimanzanero bakit pati naman itong feed ko ikaw laman ☺️ parang ako pa itong nakiki-instagram sayo e 🤣”

Tila`y sinusulit ng celebrity mom ang bawat minuto na kasama nya ang anak, at kaniyang kinukuhaan ng litrato ang kanilang bonding time mag-ina.

At maliban sa dami ng larawan at videos ni Baby Martina sa Instagram ni Sheena, ay hindi naman din magpapahuli ang kaniyang phone gallery dahil puro mukha umano ni Baby Martina ang laman nito.


“Huy! In love na in love ako sayo ha! Magkatabi na tayo, pictures mo parin tinitignan ko sa phone ko ♥️ at FYI mukha mo na lahat nasa photos ko ☺️😘😘😘 goodnight anak ko!”

Sa bawat oras na dumadaan sa kanila Sheena at ng kaniyang anak ay hindi niya pinapalagpas, dahil ang bawat larawan at videos na kaniyang kinukuha ay kaniya umanong babalik-balikan pagdating ng araw.




“kaya pinapaalala ko na wag kalimutan ipa-record at mag pa-picture with baby kahit na ano lang na activities ninyo together tulad ng picture at video namin na ito dahil pag dating nang araw yan ang masarap balik-balikan!”

Isinilang ni Sheena ang napaka-cute na si Martina noong December 12 ng nakaraang taon.