Kristine Hermosa at Oyo Sotto, masayang ibinalita na magkakaroon muli sila ng baby boy sa pamilya

Patuloy na ngang lumalaki ang pamilya ng mag-asawang si Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Mula sa kanilang matamis na pag-iibigan noon, humantong ang lahat sa seryosohan at kasalan.


Credit: @khsotto on Instagram

Ngayon, isang matibay na pundasyon ang kanilang nabuo ng magkasama. Isang magandang balita ang kanilang inanusyo ngayon. Dahil pregnant si Kristine sa kanilang 5th child! Hindi ba’t nakaka excite ito para sa Sotto Family.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristine Hermosa-Sotto (@khsotto)


Inanunsyo ni Oyo ang magandang balita. Makikita sa kanyang IG ang sonogram ni baby. Talagang napakasaya ni Oyo at Kristine dahil panibagong blessing ito mula sa Panginoon.

Muli silang pinagtiwalaan at biniyayaan ng bagong supling na kanila namang maalagaan. Sa ngayon ay mayroon na silang apat na anak.


Credit: @khsotto on Instagram

Matatandaang ang kanilang panaganay ay si Ondrea at sila din ay nag adopt sa parehong taon na si Kristian. Taong 2014 naman ng maipanganak si Kaleb habang noong 2016 ay si Marvin.

Kaya naman, gusto sana nila Kristine at Oyo ay baby gurl na this time. Pero, makikita sa sonogram na isa itong baby boy. Wala namang kaso sa kanila ito dahil masaya sila sa binigay ng Lord sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Oyo Sotto (@osotto)


β€œIt’s a boy! Again! Hahahaha!!!πŸ˜‚ Thank you Lord!❀️ We were really praying for a girl.. pero ito ang binigay ng Panginoon.❀️ Babae man o lalaki, we are more than grateful to God.😊 He knows and controls everything. So paano na Lord? Ibig ba sabihin may kasunod pa ito???πŸ˜…

P.S. pinag malaki nya talagang lalaki sya sa second picture πŸ˜‚,” saad ni Oyo sa kanyang IG.


Credit: @osotto on Instagram

Walang salita nga naman ang makakalarawan sa labis na galak at saya ni Oyo at Kristine sa blessing na ito. Sigurado namang magiging responsable at mapagmahal na magulang ang dalawa.

Kaya naman, blessed na blessed din si baby boy sa kanyang mga magulang at kapatid.




Credit: @khsotto on Instagram

Masaya naman ang mga netizens at nagpaabot ng pagbati.