Jake Ejercito, pumunta mismo ng Siargao upang bisitahin at maka-bonding ang anak nila ni Andi Eigenmann na si Ellie

Kung sa nakaraan ay ating natunghayan ang masayang kaganapan sa naging magazine cover nina Ellie at Jake Ejercito sa Modern Parenting, ngayon naman ay tila`y hindi naman napigilan ni Jake ang pagka-miss sa kaniyang unica hija.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)


Matatandaang ilang linggo na ang nakakalipas simula ng umuwi patungong Siargao ang pamilyang Islanders na sina Ellie, aktres na si Andi Eigenmann, kasintahan nito na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.

Kaya naman sa pag-uwi ni Ellie ay tila`y hindi naman nakal!gtas sa mata ng publiko ang pagka-miss ni Jake sa kaniyang anak.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by jake ejercito (@unoemilio)

Makikita sa kaniyang Instagram story ang paglipad ni Jake patungong Siargao upang mabisita at makasama ang kaniyang anak.

Sa kanilang larawan ay makikitang nakayakap si Jake kay Ellie at mababakas sa kanilang mga mukha ang saya na naramdaman sa kanilang pagkikita.

“First time in Siargao to collect the offspring!”


Credit: @unoemilio on Instagram

Busy man sa trabaho si Jake ay hindi naman niya nakalimutan na magkaroon pa rin ng oras para sa kaniyang anak, at makasama ito kahit sa panandaliang panahon bago sya makabalik ng Manila.

Ang kanilang father-daughter relationship ay hindi naman mawawala ang kanilang masayang bonding moments, at isa sa mga ito ay ang pag-eenjoy nila parehas sa paggawa ng mga dance videos.

Matatandaang nahilig si Ellie sa pagsunod sa mga dance craze ngayon sa Tiktok at tila`y kaniyang naimpluwensiya ang kaniyang Daddy Jake at nakisabay na rin sa kaniyang trip.

Ngunit maliban sa paggawa ng mga Tiktok videos ay hindi rin maikakaila na ang mag-ama ay para ding isang magkaibigan kung sila ay mag palitan ng mga texts messages.

Makikita sa kanilang naging conversation ang pangangamusta ni Jake sa kaniyang anak, at mapapansin naman ang naging sagot ni Ellie sa kaniyang ama na siyang tila`y hindi kuntento sa naging reply nito.

“Our long distance relationship.”




Credit: Jake Ejercito on Facebook

Si Ellie ay anak ni jake sa dati niyang kasintahan na isang aktres na si Andi Eigenmann.