Yamyam Gucong, pinahanga ang mga netizens sa kanyang masaya at simpleng pamumuhay sa probinsya

Ang “Iskulit Bai ng Bohol” na tubong-Barangay Anonang ng Inabanga, Bohol na si Yamyam Gucong ay muling pinahanga ang publiko mula sa kaniyang masaya at simpleng pamumuhay ngayon sa probinsya.


Credit: Yamyam gucong on Instagram

Si Yamyam ay kinilala ng publiko ng siya ay manalo bilang grand winner ng Pinoy Big Brother Otso na ginanap noong taong 2019.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na isang simpleng pamumuhay ang mayroon si Yamyam bago siya hirangin na grand winner at matapos ang biyayang kaniyang natanggap ay dito na rin nagsimula na umasenso ang kaniyang buhay at makatanggap ng ilang proyekto bilang isang artista.




Credit: Yamyam gucong on Instagram

Ngunit sa kabila ng kasikatan ay nanatili pa din ang pagiging mapagpakumbaba nito at ang pagtulong sa pamilya ay kaniyang prayoridad.

Ngayon ay masayang namumuhay ngayon si Yamyam sa Bohol kasama ang kaniyang pamilya at labis na ini-enjoy ang buhay sa bukid, na kung saan ay ipinakita niya sa publiko noong nakaraang taon ang kanilang malawak na taniman ng mais at mani.


Credit: Yamyam gucong on Instagram

Tila`y ang pamumuhay sa probinsya ay hindi kailanman ipagpapalit ni Yamyam sa kahit na anong halaga, dahil ang tunay na masipag at madiskarte sa buhay ay hindi kailanman makakaramdam ng gutom sa probinsya.

“Alam niyo guys kapag nasa bukid kayo, kapag nasa probinsiya kayo, walang dahilan para magutom ka. Basta masipag ka, hindi ka magugutom sa probinsiya,”

Habang payapang ini-enjoy ang pagbubukid ay hindi rin naman nakal!gtas sa publiko ang masayang sayawan at tugtugan na ginawa ni Yamyam sa bukid, habang nag-aani ng palay kasama ang kaniyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


“Mag-ani ay di biro maghapon naka yoko😂 #bengbeng”

Sa Instagram post nito ay makikita ang naging munting pagkembot ni Yamyam habang hawak-hawak ang kanilang mga inaning palay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yamyam gucong (@gucongyamyam)


“Driver ka kung alam mo to😂”

Dahil dito ay marami namang netizen ang natuwa at nagbigay ng kanilang komento sa naturang post ni Yamyam.

“More videos pa kuya yamyam😍😍”




Credit: Yamyam gucong on Instagram

“Lodi kuya yam🙌 paaniha pud ko sa inyu😁😂”

“Ayyy nakaka miss naman may childhood”