Carla Abellana at Tom Rodriguez, masayang ibinalita na sila ay engaged na

Isa sa mga celebrity couple na talaga namang napakatibay ng relasyon ay ang couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Mula pa man noon, masasabi mo nga namang pinagtagpo at nakatadhana talaga sila sa isa’t-isa. At ngayon, ay sigurado nga namang mapapa sana all ka dahil officially engaged na sina Carla at Tom.


Credit: Carla Abellana on Instagram

Sa Instagram post ni Carla, makikita ang kanyang larawan kasama si Tom. Makikita ang kanilang mga kamay na mayroong engagement ring dito.

“A million times, YES,” saad ni Carla sa IG caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)


Talaga nga namang nakakakilig na marinig ang isang Yes mula kay Carla. Paano pa kaya ang million times na Yes na ito?

Mahal na mahal nga naman talaga nila ang isa’t isa. Napaka sweet din ni Tom sa kanyang napakasweet na mensahe dito.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…” mensahe naman ni Tom.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)


Samantala, sa isang interview kay Tom sa GTalk TV Show na nasa YouTube kung papakasalan na niya si Carla.

Sagot niya, “We never know. Like I said When we’re ready people might know and you never know if it already happened or not.”

At ngayon, ay ito na nga ang opisyal na sagot dito. Officially engaged na sila at masayang masaya ang lahat para sa kanila.

“Congrats Tom Rodriguez and Carla Abellana,God bless……..”

“Congrats Carla and Tom…so happy to both you mga idol……😍😍😍”


Credit: Tom Rodriguez on Instagram

“Wow! At long last, so happy for you both!! Congrats!!! Bless you with forever!!!!”

“Congratulations to the ideal couple a sincere, genuine love , pure respect & trust each other not a merry go round showbiz relationship!!”

“Congratulations u really are meant to be one of the lovely couple of showbiz stay and love you are both my IDOL😍”