Ivana Alawi, naging totoo sa pangakong ipapahanap si Tatay na nagbebenta ng kutsinta upang mabilhan ng kanyang mga pangangailangan at maipag-shopping

Kilala nga naman si Ivana sa kanyang ganda at galing sa kanyang mga vlogs. Pero bukod dito, isa din sa makikita kay Ivana ay ang kanyang napakabusilak na puso para sa mga nangangailangan.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Matatandaang isa sa kanyang mga vlogs na talaga namang nakaka touch at nakakaiyak ay ang “Prank on Strangers”. Dito ay talagang nag effort si Ivana na nagsuot ng pang pulubi at gutay gutay na mga damit.

Gusgusin na Ivana ang makikita dahil nagpanggap siya bilang isang pulubi na namamalimos. Nakahanda naman si Ivana dahil kung sino man ang mag-aabot sa kanya ng tul0ng ay bibigyan niya ng pabuya.

Marami ang mga nag-abot sa kanya ng pera at pagkain. Kaya naman, ginantimpalaan sila ni Ivana. Halos sa kanila ay nakatanggap ng 2,000 hanggang 20,000 pesos depende sa naiabot nila sa kanya.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Pero, isa sa mga di makakalimutan ni Ivana at talagang umantig din sa kanyang puso ay ang mapapanood sa huling bahagi ng vlog na nagtitinda ng kutsinta.

Hindi kasi nag atubili si Tatay na magbigay ng 20 pesos kay Ivana. Matapos pa nito, ay binigyan pa siya ng baon na kutsinta sa kanyang byahe.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Nakipagkwentuhan din naman si Ivana sa kanya at balak pang bilhan ni Tatay ng soft drinks si Ivana para may mainom daw ito.

Sinabi pa ni Ivana, na kung pwedeng tawagin niya daw itong Tatay. Dito na hindi mapigilan ni Ivana ang kanyang sarili kaya napahagulgol ito.


Nag-abot ng 20,000 si Ivana sa kanya at di makapaniwala si Tatay na mayroon siyang matatanggap na ganito kalaking pera.

At dahil sa busilak ang puso ni Tatay, hindi lang ito ang kanyang ginawa. Pinag grocery din siya ni Ivana at binili ang kanyang mga pangangailangan at pamilya.




Kaya naman, totoo ang kasabihan na kapag may ginawa kang maganda sa kapwa mo ay babalik ito sayo ng mas maraming beses pa.