Dawn Zulueta, umani ng paghanga dahil sa kanyang walang kupas na kagandahan kasabay ng kanyang pagdiriwang ng ika-52 taong kaarawan

Sa kaniyang mala diyosang kagandahan ang karamihan ay siya ang hinahangaan, mapa lalaki o babae man ay sa kaniya ay gandang-ganda.

Ngunit bukod sa kaniyang angking ganda, siya rin ay nakilala sa kaniyang husay at galing pagdating sa pag-arte kaya sa bawat role na kaniyang ginagawa ay tiyak ang lahat ay mapapahanga.




Credit: @dawnzulueta on Instagram

Ilan sa mga pelikula at teleserye na pinagbidahan ng aktres na si Dawn Zulueta ay ang ‘Family History (2019)’, ‘Love me Tomorrow (2016)’ at marami pang iba.

Tila`y ang kaniyang pangalan ay naging tanyag at mas lalo pang kinilala ng publiko, kaya naman hindi maitatanggi ang labis na pagmamahal at suporta na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mga supporters mula pa man noon hanggang ngayon.


Credit: @dawnzulueta on Instagram

At sa naging pagdiriwang ng ika-52 birthday na kaarawan ni Dawn noong March 4, ay makikita ang labis na kasiyahan sa mukha ng aktres at talaga naman sa paglipas ng panahon ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang kagandahan.


“52 today… Blessed to see another year 🎂🎂🎂 A year ago today, I had no idea that in just a matter of days the world would turn itself inside out due to the #covid_19 pandemic”

Sa kaniyang naging kaarawan ngayon ay ipinakita ni Dawn ang kahalagahan ng buhay, na sa kabila man ng hirap at pagsubok na pinagdaanan ng karamihan dahil sa pandemya ang pagkakaroon ng dahilan upang magpatuloy sa buhay ang kaniyang naging sandata.




Credit: @dawnzulueta on Instagram

Sa kabila nito ay nagpakita din ng labis na pasasalamat ang aktres sa lahat ng bumati at naka-alala sa kaniyang natapos na kaarawan.

“I thank every one of you, who even through SocMed, gave a kind word of support, encouragement, a word of peace and love ❤️ Thank You for helping me get through the year that was. 🙏🏼🕊 #birthday #4March #quarantinelife”