Kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim, abot langit ang ngiti at tuwa nang surpresahin sya ng kanyang hinahangaan na si Donnalyn Bartolome

Sa vlog ni Ivana Alawi, ay makikita ang Yaya For a Day challenge niya. Dito ay magiging yaya si Ivana para sa kanyang kuyang si Hashim at gagawin lahat ni Ivana ang mga utos ng kanyang kuya.


Credit: Ivana Alawi Youtube

At sa kalagitnaan nito, ay hindi na lang siya naging challenge. Dahil naghanap ng back up si Ivana at dalawa na silang gagawa nito. Kasama kasi niya ang napakagaling na singer at vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Pero, imbis na challenge ay naging sorpresa na ito sa kanya. Napakalaki kasi talaga ng paghanga ni Hashim kay Donnalyn Bartolome. At makikita sa video na Starstruck talaga siya kay Donnalyn.




Credit: Ivana Alawi Youtube

Walang salita ang lumabas mula kay Hashim dahil talaga namang wala ng masabi si Hash nang makita niya ang kanyang hinahangaan na si Donnalyn.

At dahil yaya for a day challenge ito, pinagsisilbihan ni Donnalyn si Hashim. Ilan sa mga ginagawa ni Donnalyn ay tinatanong kung ano ang kanyang gusto at pilit pinagsisilbihan si Hashim sa hapag kainan.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Pero todo tanggi talaga si Hashim. Naghugas pa ng pinggan si Donnalyn at piankain pa siya ng fruits.

Pero pinipigilan talaga siya ni Hashim na gawin ito. Kaya naman, kinantahan na lang siya ni Donnalyn ng kanyang awiting “Kakaibabe”.


Credit: Ivana Alawi Youtube

Talaga nga namang kikiligin ka lalo na kung nasa harap mo ang hinahangaan mo at inaawitan ka. Kaya naman, di talaga maipinta ang mukha ni Hashim sa tuwa at kilig.

Pinost din ni Hashim ang larawan nila ni Donnalyn sa IG. Kaya naman, nag komento si Ivana na tuwang tuwa din at may pangantyaw pa sa kanya.”



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hash Alawi (@hash.alawi)


Sana all nga naman talaga ang masasabi mo. Pero, humirit din naman si Donnalyn at hindi daw finofollow ni Hashim si Donnalyn sa IG, biro pa niya.

Kaya naman, tuwang tuwa at kilig na kilig din ang mga netizens para kay Hash at Donnalyn.